Sunny's POV
Nandito kami ngayon nila Ppanyang,Yul,Luhan,Kai at Xiumin dito sa sala. Ewan ko kng nasan sila Taeng, baka nag sasampay pa. Tagal kasing mag laba nila Hyo eyh. Nag lalandian pa siguro. Kami nalang ang hindi nakakapag laba. Oo kami nalang, si BabySeo kasi nag laba na nung nakaraang araw. Si Chanyeol naman hindi ko alam. Si Sica naman ayun tulog pa, si Kris naman, hmmp lumabas ata? Hahaha, Anyways.. Nandito nga kami sa sala at boring na boring na nanonood ng walang kwentang palabas..
.
"Ilipat niyo nga yan! Ang pangit!" pag aapila ko habang nakatingin kay Yul na hawak ang remote.
"Wow! Kelan pa nag kamukha yang tv?" ayan nag sisimula nanaman tong matabang toh!
"Ngayon lang, ngayon ko lang sinabi diba?" mataray na sabi ko sabay irap. Hu! Wag siyang eepal dyan. Wala ako sa mood, hahahaha
Pilit ko paring inaagaw kay Yul yung remote kaso sadyang mahal talaga siya ni Kai kaya tinutulungan pang hindi ko makuha yung remote. Trying hard tuloy akong abutin sa kamay niya yung remote. Like hello! Ang tangkad niya noh! Hiya naman ang height ko. Ahmp!
.
"Akin na kasi yan! Isa! Sisikmurain kita!" sabi ko habang nakatingala saknya. Naka tayo kasi siya sa sofa, hindi rin ako makatayo sa sofa dahil nakahiga dun si Luhan na parang gandang ganda sa pinapanood. Ano bang maganda dun sa pinapanood nilang hello kitty? Si Ppanyang naman masyadong malapit yung mukha sa sceen na akala mong manghang-mangha dun sa kulay pink na damit nung pusang babae.
"Dalwa! Sige sikmuraan mo ko. Susumbong kita kay Yul ko!" sabi niya sabay dila. Napatingin naman ako kay Yul na parang seryosong nanonood ng tv. Drama ba yun? Hello Kitty kaya yun! Napatingin ulit ako sa negrong kaharap ko. Sinubukan kong suntukin yung tyian niya kaso ako lang nasaktan. Putspa! abs ba yun? Bat siya meron si Min wala? UNFAIR!
"Ayy ano ba yan Hyung! Bakit mo binigay?!" apila ni Kai ng ibigay sakin ni Xiumin yung remote. Nakuha lang naman niya yung remote dahil pumatong siya sa mesa at kinuha yung remote kay Kai habang nakatalikod ito. See? Kahit walang abs yan, may abs parin yan! Hahahaha.. ABSsolutely Noting .. HahahahaRD!
.
"Kawawa naman kasi eyh. Saka nagseselos ako" sabi niya sabay tungko at bumalik sa upuan niya. Hala?! May binulong siya diba? Nadinig nyo? Kasi ako hindi.
Lumapit ako saknya matapos kong ilipat yung channel. Hindi narin naman sila nag reklamo kasi hello kitty rin yung lumabas. Yung totoo? Lahat ba ng channel HELLO KITTY ang palabas? "Uy! Minmin!" sabi ko saknya sabay yugyog. Natutulog na ata siya eyh. "Gising! Pag hindi ka mumulat ikikiss kita!" Aba't hindi talaga nag papatinag? Gusto ba nyang halikan ko siya? Okay aXiUMIN! "Hoy paopao ano ba?" bigla naman siyang dumilat ng nakangiti. Hala! Teka bakit ko ba to ginigising?
.
"Sabi mo ikikiss mo ko?" sabi nya sabay nguso. Pinalo ko siya ng mahina. Pero mahina lang noh! "Uy! Masakit yun ha! Paganti!" akala ko hahampasin niya rin ako pero bigla niya kong kiniliti. Nahulog tuloy kami sa sofa. Buti nalang siya yung unahan kaya nadaganan ko siya. Hahahahaha. Oh! Wait! NADAGANAN KO SIYA?!
.
Agad-agad akong tumayo. Shempre nakakahiya noh! Helo ! Gurlaluy ako ang laswang tignan. Buti nalang at tutok na tutok tong mga to sa pinapanood nila kaya hindi kami na pansin ni Xiumin. Napatingin naman ako saknya at aba'y nakatingin rin sakin. Bigla akong tumalikod at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko. Bakit dama ko mainit pisngi ko? Nabanlian ba ko kanina? Napaso ba ko kanina? Dibali, sasalpakan ko nalang toh ng yelo. TAMA!