Chapter 34 : Kiss You [part 3]
- - - - - - - - - - - - - - - - -
"Whatever happens tomorrow, we had today; and I'll always remember it" ― David Nicholls
Pathetic, Desperate, Stupid, Bitch .... Heartache
- - - - - - - - - - - - - - - - -
TIFFANY's POV
Gusto ko mang maniwalang aksidente lang na magkapatong ang mga labi nila, pero hindi ko magawa. Bakit? Kung aksidente lang 'yun, bakit tumagal ng ilang segundo? Isang minuto pa nga ata 'e.
Tumayo na si Hyoyeon at may tinignan ang babae sa likuran n'ya, hindi ko alam kung bakit niya sinamaan iyon ng tingin dahil wala na akong pakialam dun. Biglang bumaling ang tingin n'ya sa harapan at saktong nag tama ang mga mata namin. Siya namang laki ng mata n'ya.
Hanggang ngayon ay alam kong tumutulo pa rn ang mga letshe kong luha galing sa mga mata ko. Hindi na rin ako nag abalang punasan pa iyon dahil babagsak at babagsak pa rin iyon. Sayang lang ang effort ko.
Nag lakad papalapit saakin si Hyoyeon, gusto ko sanang umatras at tumakbo nalang pero hindi magawa ng mga paa kong umalis sa pwesto ko. Bwisit lang.
Nang makalapit na siya sa akin nakita kong nanggigilid na ang luha niya. Umiiyak siya? Bakit naman? Siya ba ang nadihado? Wow lang.
"M-miyoung, kanina ka pa ba? May na-nakita ka ba? Teka, bat ka nandito? Di-diba sabi mo sakin noon na hindi ka pupunta dito?" bakit parang nangiginig ata ang boses niya? Guilty? Tss.
"Bakit? May dapat ba akong makita? wala na rin ba akong karapatang mag bago ng isip at mag tungo rito?" hindi ko alam kung saan ko nahugot yung lakas na loob na meron ako at nakapag salita ako ng diretsyo.
"B-bakit ganyan ka mag salita, Miyoung?" nag tanong ka pa? "M-may nakita a ba? S-sorry-" bago pa man siya makahingi ng pasensya ay sinampal ko na siya.
"Gumalang ka sakin, mas matanda parin ako sayo!" dahil sa pag sigaw ko at pag sampal ko sakanya kanina, ay saktong pag patay ng music dito sa bar na 'to. Lahat ng atensyon ng tao ay nasaamin na, may mga tao namang nag silapit saamin at sa tingin ko ay mga kaibigan ni Hyoyeon. Woah, perfect scene. Oh Great!