Kath Pov:
Nagising ako dahil sa ingay nitong alarm clock ko at talagang muntikan pa akong mahulog dahil sa gulat ko.. Gising na kaya si Manang? si Max umuwi na kaya? Hays ang daming tanong sa isip ko, kahit kakagising ko pa nga lang..
End of Pov:
Summer Pov:
Gising na kaya si Kath at Elana? malamang gising na siguro ang dalawang yun, tinignan ko yung boyfriend kong si Tristan at napatawa ako ng mahina, nakakatuwa kasi tulog parin pala ito hanggang ngayon, maypa sabi-sabi pa kasi ito kagabi na siya na daw ang bahalang gumising sakin kaya wag na daw akong mag-alala..
End of Pov:
''Austin gising na!'' Katok ni yaya sa labas ng kwarto ko..
Kathlia Second Pov:
Nandito na kaming lahat ngayon sa bus, at ilang minuto nalang ay aalis na itong sinasakyan namin papuntang baguio, grabi nabusog talaga ako kanina sa pagkaing inihanda ni Manang, ang sarap kasi ng niluto nitong adobo..
Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Max, hindi parin kasi ito umuuwi ng bahay at ngayon ko lang din nalaman na magkaklase din pala kaming dalawa ni Summer, kainis ang bruha wala man lang pasabi, pero ganun paman masaya parin ako kasi may dalawa na akong kaibigan at magiging kakampi, ay apat na pala and that's is Tristan and Kira, si Kira nga pala ay ang private secretary ni Max.
Kaya kahit saang meeting at out of town meetings nito or out of the country meetings nito ay dapat nandun din si Kira. Bigla akong napaitlag ng tapikin ni Summer at Elana ang braso ko..
End of Pov:
''Kath, ang lalim naman yata ng iniisip mo ngayon.'' Na Itanong sakin ni Summer..
''Pansin ko din.''Sambit naman ni Elana habang nakatingin sa labas ng bus.
''May naisip lang ako bigla, siya nga pala Summer bakit di niyo man lang sinabi sakin ni Tristan na dito ka din pala mag-aaral sa school na pinapasukan ko.'' Pag-iiba ko naman ng usapan para iwas sagot na din sa tanong nila..
''Gusto kasi naming eh surprise ka ni Tristan, kaya sorry na ha.'' Nakangiti pang sabi niya at ng bigla napatingin ito kay Elana..
''Siya nga pala Elana.. Umuwi kaba kaagad sa bahay niyo pagkatapos ng birthday ni Tita Anika?'' Tanong ni Summer na ikinagulat naman nito..
''Ha? bakit mo natanong?''
''Because your mom told me, that she's been calling you in the house, but no one seems to answer so that's it, then Tristan said maybe you fell asleep right away when you got home.'' Aba may pa english si Mayora Summer, nang biglang nagkatinginan kami ni Kath kung sino yung magsasalita saming dalawa..
''Hm-- Alam kona, you get drunk again tapos sinama mo itong si Kath noh? wag kang magsisinungaling sakin Elana kung ayaw mong isusumbong kita sa Mommy mo..
Grabi naman ito sumbong agad! tapos pagbabawalan na naman ako ni Mom na umalis ng bahay, ayaw kasi ni Mom na umiinom ako, nag simula lang naman ito ng dahil kay Ziggy eh.. Kaya ayun hanggang sa nag tuloy-tuloy na, halos gabi-gabi nalang akong lasing na umuuwi sa bahay ng mga time na yun.. Kaya simulan nun kapag walang pasok sa school ay dapat nasa bahay lang ako, at kapag pasukan naman at uwian sa school namin ay na-aabang na sakin yung driver sa labas ng gate..
''Hoy bakit bigla kang natahimik dyan?''
''Wag na wag mo akong isusumbong kay Mom, saka di naman kami totally na lasing ni Kath nung time na yun eh, diba Kath? kaya sorry na okay?. And don't worry dahil sa susunod na maglalasing at magwawal-wal kaming dalawa ni Kath ay isasama kana namin promise yan kahit magalit pa si Tristan .'' Natatawang sabi naman ni Elana.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]
RomanceShe is Kathlia Montalba, the real wife of CEO Max Montalba. Who is secretly in a relationship with his friend Kira Higgins. And this is the reason why her husband, Max, changed his attitude towards her. And that's why he will also meet Austin Valley...