HSR#36

25 2 0
                                    

Kathlia Pov:

Hindi na naman ako pumasok sa school namin ngayon, pinapunta kasi kami ng Mommy ni Max dito sa mansion at ilang araw nalang din ay masquerade party na namin.

End of Pov:

"Act like we're a couple in front of my parents." Maikling tugon nito bago kami pumasok sa loob ng mansion. I stared at him for a few seconds.'' I know''
Pagkatapos ay mariin niya akong tinignan at hinawakan ng palihim sa braso ng walang nakakakitang tao. " Wag mong sabihin, gawin mo!"
"Oh! Nandito na pala kayo? Hali na kayo, umupo na kayo dito, kayo nalang kasi ang hinihintay namin na dumating bago kami kumain."
"Okay po Tita." Sabi ko at naupo na sa tabi ni Max.
"Kumusta kana?"
"Okay lang naman po ako Tita, kayo po kumusta?"
"Ito okay lang naman, sobrang busy umattend ng mga out of town meetings kasama ang Daddy Gustavo niyo." Seryosong sabi nito habang hinihiwa yung steak sa kanyang plato. pagkatapos ay bigla itong huminto sa paghiwa ng kanyang steak at kaagad na binaba ang hawak na kubyertos at tinignan kami ni Max "Siya nga pala yung hinihingi namin sa inyo ng daddy niyo baka naman nakalimutan niyo na." Alam kuna kung anong ibig sabihin ng sinasabi nito. Magsasalita na nga sana ako pero naunahan na ako ni Max.
"We're doing it already Mom." Kasabay din nun ang pag lagok nito ng kanyang baso na may lamang wine.
"Good tiyak na magiging masaya ang Daddy Gustavo niyo nito."
"Speaking of Dad, where is he?"
"Your Dad is in his office may tinatapos lang na mga paper works baba na rin yun."
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Nakagiting sabi pa ng Daddy nito at kaagad na lumapit sa tabi ng Mommy ni Max at hinalikan ito sa kaliwang pisngi. Na siya namang ikinatuwa at ikinamula ng pisngi ni Tita Matilda.
"Hinahanap ka kasi nitong anak mo."
"Ah ganun ba? Siya nga pala we were leaving again tomorrow in the afternoon. Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Tita Matilda kaya sinita kaagad ito ng Daddy ni Max. " Stop staring at me like you're not gonna go." Natatawang ani naman ni Tito Gustavo kay Tita Matilda kaya sekreto din akong napatawa.
"Hays! Kakauwi nga lang natin, aalis na naman tayo?" Halata ang inis sa mukha ni Tita habang sinasabi niya ito. Paano ba naman kasi everytime na umuuwi sila dito sa mansion ay kaagad din naman silang umaalis papuntang states.
" I heard that you will be having a masquerade party in Gvu." Dad said to Kathlia, kaya inis akong napatingin sa kanya habang iniinom yung pangalawang wine na isinilid ko kanina sa baso ko.
"Yes po Tito. And that would be on thursday." I said to Tito Gustavo.
"Then who will be your escort?"
"Wala po akong escort." At kaagad na iniinom yung orange juice sa baso ko.
"Then how about you Son? Bakit hindi nalang ikaw ang maging escort ng asawa mo."
"I can't Dad. I have a lot of works to do." Umiiling nitong sabi.
"Okay then keep it up Son."
"Kath nakapag prepare kana ba sa gaganaping masquerade niyo sa school?"
"Hindi pa Tita." Nahihiyang kong sagot sa tanong niya.
Masayang itong ngumiti at naupo sa tabi ko. "Call me Mom."
"Bakit di nalang si Austin ang gawin nating escort mo mabait na bata yun at pinsan din nitong asawa mo."
"Wag nalang po nakakahiya naman kay Austin."
"Don't worry ako ng bahalang mag sabi sa kanya at ako narin ang bahala sa gown na susuotin mo at sa mag ma'make up sayo." Ang bait talaga ni Tita Matilda na kabaliktaran naman ng ugali ng anak niyang si Max.
" Thank you po Mom."
"You're welcome Kath, sige kumain ka pa ng marami okay?"
"Okay po Mom."
Masaya ako kasi close kami ng Mommy ni Max. Kahit hiwalay na kami ng anak niya, at iyon ang di nila alam.
Bakit kaya hindi na naman siya pumasok sa school ngayon? Saan kana naman ba nagpunta Kath? Kaagad akong napahinto sa pag-iisip kay Kath ng biglang tumunog yung phone ko.
"Hello son, may date kana? Kasi kung wala pa ay--"
"I already have Mom, kaya wag niyo na po akong hanapan ng magiging ka date ko sa masquerade party." I said to my Mom, habang iniisip ko parin si Kath at kung ano yung rason ng hindi niya pagpasok sa school ngayon.
"Okay I just want you to be happy Austin, kaya we will let you choose for your own happiness."
Napangiti ako sa sinabi ni Mom dahil sa saya at tuwa. " Thank you Mom''
"You're welcome son, your dad will talk to you soon, may sasabihin daw kasi siya sayo.
"Happy now? Because mom will ask my cousin Austin to be your escort!" Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Mom.
"I don't want to talk about it." Aalis na sana ako para pumasok sa loob ng bigla niya akong hilahin papunta sa kanya na parang niyayakap niya ako. Bigla kasing lumabas si Tita Matilda. At alam kong takot siyang makita kaming dalawa nito na nag-aaway kasi nga akala nila okay kami bilang mag asawa. Kahit hindi naman talaga!
"Hug me."
"And why would I do that?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Kailangan ko pa bang sabihin sayo, bago mo gawin?" I nodded as an answer.
" I said hug me. Yakapin mo ako Kath, kung ayaw mong maghinala si Mom sa atin." Wala na akong nagawa kundi yakapin nalang siya, kaysa naman paghinalaan kami ni Tita Matilda.

Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon