Hsr#76

7 0 0
                                    

''Siya nga pala next month nang kasal niyo, handa na ba kayo sa bagong chapter ng buhay na tatahakin niyo bilang mag-asawa?''Seryosong tanong ni Tristan, na agad naman sinang ayunan ni Summer.

Ngumiti si Angelo at hinalikan ang mga kamay ko.''Yes, sobrang handang-handa na ako, I mean kaming dalawa ni Kath. Right Wife?''

''Yes, at excited na din ako, I mean kaming dalawa di ba Angelo?''Pabalik na tanong ko naman.

''Great but we have a problem.''Singit naman ni Ethan na katabi ngayon ni Belle na kumakain na manggang hilaw.

''Bakit anong problema?''Tanong agad ni Elana kay Ethan.

''Hindi ko kasi gusto ang naging reaksyon ni Max ng malaman niya na ikakasal na kayong dalawa ni Angelo, next month. Sa tingin ko gusto ka niyang balikan or siguro late nang maramdaman niyang mahal ka nga niya talaga. Pero sa tingin ko lang yan ah.''Muling sabi ni Ethan kaya nagkatingin kaming dalawa ni Angelo.

''Yan ay kung kaya niyang agawin sa akin si Kath, ang laking tanga niya lang kasi nagawa niyang ipagpalit kay Kira si Kath. Pero hindi ako katulad niya mag kamatayan muna kaming dalawa bago niya makuha sa akin ang magiging asawa ko.''Ani Angelo na halata ang galit sa mukha nito at sabay din na naikuyom nito ang mga kamay niya.

''Don't worry bro, nasa likod mo lang kaming tatlo, kapag may ginagawang masama sayo 'yang si Max.''Sambit naman ni Ziggy. Kaya hindi maiwasan ni Elana na pingotin ang dalawang tenga ng kanyang asawa.

''Talaga lang ah? kasi sa pagkakaalam ko'y matalik nyong kaibigan si Max, hindi kaya itong si Angelo pa ang mabugbug niyong dalawa.''Galit na sambit ni Elana.

''Aray ko naman asawa ko! natural nasa likod niya lang kami, kasi hindi naman kami kasali kapag nagkataon na nagsuntukan silang dalawa, saka baka magkaroon lang ako ng purple eyeshadow kapag nakisali pa ako. Basta kaibigan namin silang dalawa, pero mas gusto ko si Angelo para kay Kath, kasi alam kung hinding-hindi niya sasaktan ang kaibigan niyo.''

''Where are you going?''Tanong ko kay Kira ng makita kung palabas siyang ng bahay.

''Dapat pa bang sabihin ko sayo kung saan ako pupunta?''I ask him.

''Yes, dapat alam ko, dahil baka hanapin ka ng anak natin, at baka lasing ka na naman umuwi mamaya.''Nakita ko ang galit sa mga mata ni Kira, At kasalanan ko kung bakit galit siya ngayon. Hindi ko naman sinasadyang mahalin ulit si Kath, basta ng malaman ko na ikakasal na siya sa Angelo na yun next month, ay na galit ako. At siya din ang biglang pagdating ni Kira.

''Hanapin nagpapatawa ka ba ikaw nga hindi ako kayang hanapin eh.''Sagot ko kay Max, at mabilis na umalis at naglalakad papunta sa sasakyan ko. Walang kwenta sa una lang talaga masaya sa huli para wala na lang kayong pinagsamahan. Ginawa ko naman lahat, nagpakatanga ako. Minahal ko siya ng sobra pa sa buhay ko. Pero takte! ito lang pala igaganti niya! kaya hindi ako makakapayag na maagaw siya sa akin ni Kath. At kahit paulit-ulit ko siyang patayin ay gagawin ko, mawala lang siya landas namin ni Max, dahil alam ko kapag nawala siya ay mamahalin ako ulit ni Max.

Kath Pov

Naka uwi na pala kami ng Manila may pasok pa kasi si Sebastian, at Si Angelo ay may madaliang meeting with the board members at dun nya din sasabihin ang magiging kasal namin next month. Ng malaman nga ito ni Mrs Ferrer ay nagmamadali na itong magbook ng ticket pauwi ng Manila, ako nga sana ang magsasabi sa kanya, pero naunahan na ako ni Manang Anding na magsabi sa kanya. Dahil sa sobrang excited niya daw kaya hindi niya napigilang sabihin ito agad kay Ms Ferrer.

At sa wakas totoong totoo na talaga ito, I can't wait to walk in the aisle together with Angelo ang lalaking mahal na mahal ko, At mahal ako.

"What are you thinking?"Nabigla ako ng biglang yakapin ni Angelo ang likod ko.

Umikot naman ako para yakapin din siya.''Hey, ikaw pala. Ginulat mo naman ako eh.''

''Are you excited next month? sana hindi nagbago ang isip mo na pakasalan ako. Dahil kapag nagkataon na nagbago 'yang isip mo. Tiyak na masasaktan talaga ako ng sobra. Kasi sobrang kitang mahal Kath.''Ramdam ko ang lungkot sa boses nito, inaakala niya siguro na magbabago pa itong isip ko. Haha pero sorry siya kasi hindi na magbabago 'tong isip ko. Kasi kung mahal niya ako mas lalo ko namang siyang mahal.

''Oo naman, sino bang babae na hindi magiging excited na maikasal sa taong mahal nila.''Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi ko.

''Kung ganun tuloy na tuloy na talaga ng kasal na'to. I love you talaga, sobrang mahal ko kayong dalawa ni Sebastian.''

''Mahal ka din namin ni Seb. Kaya sige na mag handa kana dahil ilang minutes nalang ay magsisimula ang meeting mo with the board members. At ako naman ay tatawag ko pa ang secretary ko dahil kailangan na naman namin mag restock sa boutique lalo na ngayon na magpapasko na naman.''

''Okay sige, see you after my meeting. And siya nga pala nakahanda na sa kitchen ang pagkain mo. At hinatid ko na din si Seb sa school niya. At mamayang hapon ay susunduin ko naman siya, para naman makapag pahinga nga ng maayos. Kasi alam kong napagod ka sa byahe natin ka gabi.''

''Saan ka pupunta?''Tanong ni Austin nang makita niya akong nakabihis.

''Mag c'coffee lang ako with Kira, Kailangan niya din kasi ng makakausap. Dahil nag away na naman silang dalawa ng pinsan mong si Max.''Sambit ko kaya naman agad na pumayag si Austin na umalis ako.

''Sige pero bumalik ka agad, dahil baka hanapin ni Baby Zian okay? I love you.''Sabay halik at yakap ni Austin sa akin.

''I love you too. Austin, see you later okay?''

Kira Pov:

Kainis ang tagal naman ni Kassandra. Kapag ako hindi makapag timpi, sa kanya ko talaga ibubuntong ang lahat ng galit ko kay Max. Siya nanga itong may kasalanan sa akin siya pa itong galit na galit.

Nagmahal lang naman ako, kaya ako nakagawa ng masasama. Dahil sa kagustohan kung wag niya akong iwan, kaya sa susunod na hakbang na gagawin ko para wala si Kath sa landas naming dalawa ay, hindi ko na ulit hahayaan pang maka ligtas ang babaeng yun.






Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon