Kath Pov:Natapos na ang birthday ng Daddy ni Max, kaya heto ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko at ang mga kaibigan niya, nandito din si Austin nakaupo sa tabi ko. Tapos sila Zeke, Max at Kira naman nasa ibang upuan, they're still drinking hinayaan ko nalang, kasi yan ang gusto niya ang hindi ako kasama, I think he's happy with Kira and I don't care, kasi masaya naman akong kasama ang mga kaibigan ko, kaysa naman ipilit ko ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin...
And malapit na din kaming umuwi, kaya we're gonna enjoy the night.
End of Pov:
Bigla akong tinapik ni Summer sa braso sabay turo sa direksyon ni Max at Kira. ''Hoy! bakit bigla kang natahimik dyan? Ano iniisip muna naman ang lalaking yun.''
''Gaga! hindi ko siya iniisip.'' Walang gana kong sabi at kaagad na nilagok ang mapait na Vodka na nakasilid sa baso ko.''Aysus! deny pa Kath, kulang na nga lang tumulo na yang luha at sipon mo dyan eh.'' Turo pa ni Summer sa akin, habang sinasabi niya yan.
''Siya nga pala Tristan, bakit di mo naisipang maki join sa dalawang kaibigan mo?'' Biglang naitanong ni Elana.
''Ayaw.'' Parang bata lang na pagkasabi ni Tristan.
''Ew! you're so childish talaga Tris.'' Sabi ko sabay tawa sa kanya.
''Hindi pa nga ako tapos magsalita Kath, binabara mo na ako kaagad, hindi ko lang talaga gustong makisama sa kanila kasi nandito kayo, at nandito rin ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo.'' Proud na proud pang sabi nito habang kumukurap-kurap ang mga mata nito habang nakatingin kay Summer. Hays! mapapa sana all kana lang talaga sa relasyon ng dalawang ito.
''Ano yan Tris? napuwing lang ganun, di ko alam na mabuhangin pala sa lugar na ito Elana, sa pagkakaalam ko kasi, nasa isang room lang tayo dito sa resto.
''Kaya nga eh, wala namang alikabok sa lugar na ito, pero kung maka ganyan siya parang napuwing lang.'' Natatawang sabi pa ni Elana.
''Napuwing sa pagmamahal ni Summer.'' Dugtong naman ni Tristan. Pag-ibig nga naman
''Ew! you're so choosy Tris, tigilan niyo nga yan, di na kayo nahiya sa aming mga walang pang jowa.''
Ng biglang magsalita ulit si Tristan .'' Siya nga pala, patulog na ba kayo Kath?'' Takte! nakalimutan ko na nakapantulog pa pala ako at si Austin.
''Kasalanan niyo ito, matutulog na sana ako kanina, bigla nyo ba naman akong ginising, tapos di pa kayo makuntento isinali niyo pa si Austin.'' Sabi ko kaya sabay na natawa silang lahat.
''Okay lang bagay naman sa inyong dalawa ang suot niyo at mas lalong babagay kayo, kapag naging kayo na.'' Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Austin dahil sa sinabi ni Elana.''Hoy! baka marinig kayo ni Max.'' Pigil ko sa sinabi ni Summer.
''Hayaa mo nga siyang marinig niya tayo, diba Elana?'' Walang pakundangang sabi ulit ni Summer.
''Oo nga naman Kath, kung talagang mahal ka niya at may respeto siya sayo, dapat ikaw sana ang katabi at kasama niya ngayon dun, at hindi si Kira.
''Kahit na mali pa din yun, baka kung ano pang sabihin niya, at baka matawag na naman akong malanding babae ng isang yan.''Bakit kasi hindi nalang si Austin ang unang nakilala mo, masaya ka sana ngayon, at di nagtitiis sa walang kwentang asawa mo kuno.'' Puntong sabi ni Summer.
''Hayaan niyo na.''
''Siya nga pala Sweetheart, are you hungry?'' Biglang nagsalita si Austin.
''Hindi pa naman bakit?'' Sagot ko naman sa kanya.
''Hintayin mo ako dito, aalis lang ako sandali, promise babalik ako kaagad para sayo Sweetheart.'' Sabi nito na ipinagtaka ko saan siya pupunta sa ganitong oras.''Wow sana all may Austin.'' Sabay na sigaw ni Elana at Summer na pumapalakpak pa.
''Wait Bro, samahan na kita, paki bantayan nyo nalang itong si Summer, wag niyo siya hahayaang malasing dahil napaka ingay pa naman ng babaeng yan.'' Sabi ni Austin kaya pasimple kaming natawang tatlo at ng si Summer naman ang nagsalita.
''What did you say?''
''Ang sabi niya maingay ka daw.'' Pang-aasar ni Elana kay Summer, kaya biglang nabaling ang atensyon nito sa nobyo nyang si Tristan.
''Sinabi mong maingay ako Tristan!'' Galit na yan kasi tinawag niya na si Tristan sa buong pangalan nito.
''Wala kaya akong sinabing ganyan mahal, kay sige na sasamahan ko muna si Austin promise babalik kami kaagad, I love you mahal.'' Palusot ni Tristan kay Summer, ang galing may pinagmanahan.
''Mahal na mahal din kita mahal, ingat kayo ha.'' Pahabol na sigaw nitong sabi, kaya sabay kaming napalingon ni Elana kay Summer at kay Tristan.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]
RomanceShe is Kathlia Montalba, the real wife of CEO Max Montalba. Who is secretly in a relationship with his friend Kira Higgins. And this is the reason why her husband, Max, changed his attitude towards her. And that's why he will also meet Austin Valley...