Chapter:50
"Good morning Mom, Dad." Nakangiting bati ko sa parents ko. Pero walang emosyon lang ang isinukli nila sa pagbati ko sa kanila ng magandang umaga.
"Is it true? Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Max. That he's not the real father of the twins because you're the real one?" Galit na sabi ni Mom sakin tapos si Dad naman ay tinignan lang ako at nagbitaw ng isang buntong hininga. Tila ba naguguluhan ako sa mga sinasabi nila. And I know that this is not a joke, ngayon ko lang kasi nakita si Mom na sobrang galit.
"Mom, di ko maintindihan ang sinasabi niyo. Pero inaamin ko I like her, pero hanggang dun lang po yun Ma, dahil nirerespeto ko kung anong desisyon ni Kath." I said to Mom.
"Nirerespeto mo siya, tapos nabuntis mo? Ganun ba ang klase ng respetong sinasabi mo Austin ha? You know that kath is your cousin's wife." Galit na galit paring sabi ni Mom sakin. Tapos si Dad naman ay suminyas lang sakin na kumalma lang daw ako.
"Alam ko po Ma. Pero ito lang po ang masasabi ko sa inyo ni Dad, sana nga ako nalang ang naging ama ng pinagbubuntis niya at hindi ang Max na yun na walang ibang ginawa kundi ang saktan lang siya nito. At kung sana ako nalang ang unang nakilala niya." Seryoso kong sabi sa kanila at pagkatapos ay pumunta ako sa garahe para kunin yung sasakyan ko. Babalikan ko nalang si Kath sa hospital at dun na lang din ako kakain.
"Okay we'll talk about it." Narinig kong sabi ng Asawa kong si Shane sa telepono. Kaya tinanong ko ito kung sino ang kausap niya.
"Oh, it's Kassandra's father asking me for an arranged marriage to her Daughter and our Son. So I said yes." Nakataas babang kilay na sabi ng Asawa kong si Shane saka ito umalis.
"What... Nag yes kana? Without the permission of our Son. Do you know what you're doing? Nag-iisip kaba." Takang tanong ko kay Shane.
"Yes, bakit patatagalin pa natin, buwan nalang din naman at graduate na si Austin. Saka mabuti na rin yung ganito para maka iwas siya kay, Kath." Sabi pa ulit nito sakin habang naka upo ito sa sala at nilalagyan ng wine ang kanyang baso. I never see her being like this, dahil mabait ang asawa ko at sobrang Mahal niya ang anak namin. Kaya di ako makapaniwala sa ina asta niya ngayon.
Kathlia Pov:
Habang nag-uusap kami ni Austin ay bigla nalang dumating si Mom at Dad. Kaya mabilis na napatayo si Austin at ako naman ay umayos din sa pagkaka upo ko. At si Mom naman ay puno ng galit ang expression ng mukha nito habang si Dad naman ay nakahawak sa kaliwang kamay nito. Kaya napatingin ako kay Dad, at siya naman ay malungkot lang na tinignan ako at kaagad din itong yumuko ng galit siyang tinignan ni Mom. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero talagang kinakabahan ako ngayon.
End of Pov:
"Totoo nga?" Seryosong sabi ni Mom dahilan upang magulohan kaming dalawa ni Austin.
"Nagugulohan po ako sa sinasabi niyo Ma." Sabi ko sa kanya.
"Na hindi si Max ang Ama ng batang dinadala mo kundi siya?" Turo ni Mom kay Austin na ikinagulat naming dalawa.
''That's not true Mom. Magkaibigan lang kami ni Austin.'' sabi ko kay Mommy na galit pa rin hanggang ngayon.
''Oo nga naman po Tita. Magkaibigan lang po talaga kami ni Kath. Saka sino po ba ang nagsabi sa inyo niyan?'' Tanong ko kay Tita Mahalia, kahit alam kona ang tungkol dito. Sana lang talaga humupa na yung galit ni Mom sakin. Dahil kahit anong paliwanag ko ayaw parin nila akong paniwalaan.''Stop calling me Tita, dahil wala akong kilalang traydor na katulad mo Austin! at ikaw namang babae ka. Alam mo ng may asawa kana pumapatol kapa sa iba. Ito tandaan mo kapag iniwan ka ng asawa mo ng dahil dito kalimutan mo nalang na naging Ina mo pa ako. Dahil wala akong anak na suwail na kagaya mo Kath!'' Galit na sabi ni Mom at akmang bubuksan na sana nito ang pinto ay kaagad ko itong hinawakan at nilapitan at kasabay din nun ang paghikbi ko. Pero wala talaga eh dahil itinulak niya lang ako, mabuti nalang at nasalo ako ni Austin dahil kung hindi tiyak na sa sahig ako papunta.
"Shh-- stop crying Kath, alam natin kung ano yung totoo huhupa din ang galit ng Mommy mo." Pag papatahan ko sa umiiyak na si Kath
"I don't know what's happening Austin, di man lang ba nila alam kung anong nararamdaman ko ngayon? Di ba nila alam kung gaano ako nagluluksa dahil nawala yung isang kambal na pinagbubuntis ko,at di man lang ba nila tatanungin ko okay lang ba ako?Tapos ngayon malalaman at malalaman ko ang tungkol dito na wala namang katotohanan na siya namang pinaniniwalaan ni Mom tapos itatakwil niya lang ako ng ganun ganun lang kahit di niya alam kung anong totoo?" Utal-utal kong sabi kay Austin.
"Saka ano ba ang kasalanan ko kay Max? Diba wala naman, kung tutuosin siya pa nga ang may kasalanan sakin eh. Kay Max nga sila dapat magalit at hindi sakin. Kung tungkol ito dun sa pagpapa pirma niya sakin ng annulment namin na hindi ko pinirmahan kaya siya nagalit at sinabi kay Mom na hindi siya ang Ama ng dinadala ko.
"Tama na makakasama sa'yo ang pag iyak. Magiging okay din ang lahat okay?" Sabi ko at pinunasan ang mga luha nitong nangingilid sa kanyang mga mata.
"Pipirmahan ko naman yun eh. Pero bakit niya ginawa sakin ito? Saan ako pupulutin nito kapag nagkataon na itatakwil nga ako ng magulang ko?''
"Di mangyayari yan Kath, magulang mo sila at mahal ka nila, nakapagbitaw lang si Tita ng mga ganung salita dahil sa galit lang siya."
"Sana nga Austin, dahil kapag nagkataon hindi kuna alam kung anong gagawin ko." Mahinahon kong sabi kay Austin.
"You'll be fine, saka hindi kita iiwan sweetheart nandito lang ako sa tabi mo pangako ko yan sa'yo.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]
RomanceShe is Kathlia Montalba, the real wife of CEO Max Montalba. Who is secretly in a relationship with his friend Kira Higgins. And this is the reason why her husband, Max, changed his attitude towards her. And that's why he will also meet Austin Valley...