Hsr#73

8 0 0
                                    

Chapter:73

Kath Pov…

Hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako sa kwarto namin ni Angelo, habang silang dalawa ni Sebastian ay mahimbing na natutulog sa kama. Parang gusto ko din kasing maglakad-lakad sa tabing dagat, ewan ko ba, pero parang may nagtutulak sa akin na gawin ito.

At ng nasa tabing dagat na ako'y naupo muna ako sandali para pagmasdan ang nagsasayaw na mga alon sa harapan ko. Napansin ko din na may taong nakaupo malapit sa tabi ko. Pero hindi ko naman makita ang mukha niya, dahil madilim kasi.

Tatayo na sana ako ng bigla itong magsalita."Kath… Can we talk for a moment?"Tanong niya.

"Austin…?"

"Ako nga, can we talk?"Tanong niya ulit.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Austin."

"Kath, please! I just want to say sorry for what I've done to you. At kung bakit ko ginawa 'yun sayo."

"Why Austin!  Ano pa ba ang dapat kung malaman? Sabihin mo sa akin!"

"Yung pagmamahal na pinaramdam ko sayo no'n totoo, 'yun. Totoong minahal kita, pero kailangan  ko Lang talagang iwan ka para sa ikabubuti ng lahat. Dahil ayaw kung mapahamak ka. Kasi mahal na mahal kita."

"Kung mahal mo ako bakit mo ako iniwan? At yang sinasabi mong para sa ikabubuti ng lahat! yan ang hindi ko maintindihan eh, kasi kung mahal mo talaga ako. Hindi mo ako iiwan, Pinaasa mo ako ako Austin…Ginawa mo akong tanga sa araw ng kasal natin at muntik na akong mapahamak no'n. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na ginawa mo yun para hindi ako mapahamak, kaya nagpasya kang iwanan na lang ako ng ganun?"Tanong ko kay Austin.

Tila na tahimik naman siya sa mga nasabi ko sa kanya. Aaminin ko that I love Austin noong mga panahon na naging kami pa. Binigyan niya ng kulay ang mundo ko, binalik niya ang mga ngiti sa mga labi ko at dahil do'n ay mas lalo ko siyang minahal. Pero sana man lang sinabi niya sa akin ang lahat bago man lang niya ako iniwan sa eri. Pero narealize ko na mas mabuti narin na nangyari yun, dahil nakilala ko si Angelo ang lalaking walang ibang bukang bibig kundi pangalan ko lang. At siya ang lalaking muling nagbalik ng kulay sa mundo ko."I'm sorry,  I was threatened of Kassandra's father. Tinakot niya ako nasasaktan ka niya at ang pamilya ko kapag hindi ko pinakasalan si Kassandra. I'm sorry I was so stupid! dahil hindi ko alam na muntik ka ng mapahamak sa araw ng kasal natin."

I sighed for a moment habang seryosong nakatingin sa mga mata niya. I see the sadness in his eyes at sino ba naman ako para hindi magpatawad. Siguro pinagtagpo lang kami ng diyos pero hindi para magkatuluyan, kundi para matuto sa pagkakamali ng bawat isa at magpatawad."I forgive you, at sana maging masaya kayong dalawa ni Kassandra kasama ang anak niyo."Sabi ko at naramdaman ko din ang mahigpit na pagyakap ni Austin sa akin.

Kumulas ako sa pagkakayakap niya"Masaya ako na minsan ay may isang Austin na naging parte ng buhay ko."

"Salamat. Maraming salamat Kath."Aniya sabi punas ng mga luha sa mga mata niya.

Kassandra Pov…

  Nagising ako na wala sa tabi ko si Austin, kaya agad akong bumangon sa kama namin para lumabas ng kwarto namin at hanapin siya. Ng biglang paglingon ko ay nakita ko siya na masaya habang kausap si Kath. At dahil sa galit ko'y tumakbo ako at agad na sinampal ang magkabilang pisngi niya. Na ikinagalit ni Austin.

"Walanghiya ka! Malandi ka talagang babae ka! Hindi ka na nahiya at talagang gusto mo pang landiin ulit si Austin! Kahit iniwan ka na niya no'n!"Sigaw ni Kassandra sabay sampal sa magkabilang pisngi ko.

"Nag-usap lang kaming dalawa, hindi ko siya nilandi. Dahil hindi naman ako desperada."

"Usap. May nag-uusap bang nagtatawanan ng silang dalawa lang sa ganitong oras ha?"Ani Kassandra at akmang sasampalin pa sana niya ako, ngunit mabilis na nahawakan ni Austin ang kamay niya. Siya na nga ang ng agaw, siya pa ang galit ang kapal din naman talaga ng mukha ng babaeng ito.

"Bitawan mo ako Austin! May pa hatid-hatid ka pa na pagkain sa akin kanina, tapos ito pala ang gagawin mo!"

"Kassandra stop it! Totoo ang sinabi niya, nag-usap lang kami. Hindi niya ako nilandi kaya pwede ba tumigil ka na. Umuwi na tayo."Mahinang sabi ni Austin ngunit mas lalo lang nagalit si Kassandra at nagsisigaw na para bang kami lang ang taong nandito sa resort.

"Mabuti pa dalhin mo na siya sa kwarto niyo. Dahil nakakahiya sa mga taong makakita sa atin dito."

"Sige, sorry ulit. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Kassandra sayo."

"Okay lang naiintindihan ko siya. Dahil babae rin kasi ako, kaya alam ko ang nararamdaman niya ng makita niya tayong dalawa. Sige babalik na din ako sa room namin ni Angelo, baka kasi hinahanap niya na ako ngayon."Pagkatapos kung sabihin yun ay agad namang tumango si Austin at muling ibinaling ang atensyon niya kay Kassandra.

"Saan ka galing?"Tanong ni Angelo pagbukas ko ng pinto.

Ngumiti ako saka masayang niyakap siya."Lumabas ako sandali hindi kasi ako makatulog, hindi narin kita ginising kasi ayaw kung maistorbo ang pagtulog mo."

"Ganun ba? Sorry kasi nakatulog ako."Malungkot na sabi ni Angelo. Na guilty tuloy ako ng makita kung malungkot ang mukha niya.

"Bakit ka nag sosorry wala ka namang naging kasalanan sa'kin. Ang naging kasalanan mo lang naman sa akin ay ang minahal mo ako ng sobra pa sa inaasam ko."

"Basta next time kahit tulog ako. You need to wake me up, para sasamahan kita. Understand?"

"May magagawa pa ba ako? Kapag ikaw na ang nagsabi. Takot kaya ako sayo. I love you."Sabay halik ko sa pisngi niya.

"I love you too, Kath. Until my hair turns gray."

"So do I?"Sabay ngiti ko sa kanya.

"Kailangan mo ba talagang sampalin siya sa harapan ko?"I ask Kassandra. Kasi ayaw kung magkasakitan silang dalawa. Dahil pareho ko silang minahal.

"Oo! Dahil aagawin ka niya ulit sa akin. Kaya ko ginawa yun. Kaya please Austin wag mo akong iwan okay? Mahal na mahal kita alam mo yan. Mahal na mahal ka namin ni Zian.

"Hindi niya ako aagawin sayo, humingi lang ako ng tawad sa nagawa kung pag-iwan sa kanya sa araw ng kasal namin, yun lang. Mahal kita Kassandra kayo ni Zian. Kaya sana naman wag kang mag-isip ng ganyan. Pangako hindi kita iiwan okay? I love you."

"Okay, I love you too."












Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon