Hsr#71

7 0 0
                                    


"Is there something bothering you right now? Sorry to ask you ha, napansin ko kasi simula nang makita kitang kausap mo si Kira, ay lagi ka na lang ganyan."Agad akong napalingon kay Angelo, nakita ko rin ang pag-aalala sa mukha niya. Kaya tumango ako sa kanya bilang tugon.
"Yes, she asked me if I still love Max, and I said no, kasi ikaw na ang mahal ko, at ang lalaking pakakasalan ko."I said, kaya agad na gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ni Angelo, kasabay din nun ang pagyakap niya ng mahigpit sa bewang ko.
"Ugh! I love you so much, what else did she say to you?"
"Nothing important, puro si Max lang naman kasi ang nasa isipan ng babaeng yun e."Pagsisinungaling ko kay Angelo, ayaw ko kasi na malaman niya ang naging usapan namin ni Kira, dahil I'm sure na kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa ginawa ni Kira sa akin, tiyak na hinding-hindi niya ito mapapatawad at baka may magawa pa siyang masama.
"Hali na kayo, kakain na tayo nag luto si Belle ng pork Adobo with pagmamahal."Ani Eman, kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Angelo at medyo nakaramdam ng kilig sa dalawang magkasintahan na sina Eman at Belle. Naging  close naman kami ni Belle pati mga friends ko ay naging friends niya na rin. And I like the way she takes good care of my best friend Eman.
"When is our Barkada trip?"Ani Belle, habang hawak ang pitcher na may lamang juice at isa-isang sinalinan ang mga baso namin.
Naglagay muna ako ng kanin at ulam sa plato ko bago sinagot si Belle."I will ask Summer and Elana."
"Summer, may ipapagawa ka pa ba? Sabihin mo na agad kasi maglalaro na ako ng Cabal Helix. Dahil baka matalo na naman kami sa mission war, dahil sa kaka utos mo sa akin."Sambit ko kay Summer, pero nagtaas lang ito ng kilay niya, grabi ang hirap niyang mag buntis, panay utos. Kasi kapag hindi ko ginawa ang mga utos niya sa akin, ay nagtatampo siya ka agad, okay lang nga sa kanya kahit hindi ako pansinin ng isang buwan eh.
"Wala na. Pero maglaba ka nalang muna, para naman may masuot tayo sa barkada trip natin, dahil hindi mo naman masusuot yang computer mo. Kaya sige na do our laundry, Bilis!"
Sakto namang pag labas ko ng bahay ay nakita ko si Ziggy, na naglalaba malapit sa may garden namin, na gamit lang ang mga kamay niya, kaya di ko maiwasang hindi matawa sa kanya. Todo effort din pala ang isang ito, takot siguro na baka biglang magbago ang isip ni Elana kapag hindi siya nag effort. Nag desisyon kasi kami na pagkatapos na lang manganak ni Elana at Summer kami magpapakasal. Kalandian kasi ang nauna naming ginawa kaya, nahuli tuloy ang kasal.
"Makatawa ka dyan para namang hindi ka rin maglalaba."Sabay tawa ni Ziggy.
"Ang hirap pala talaga mag-asawa noh? Tayo ang halos gumagawa ng lahat sa bahay, tapos ang mga magiging asawa natin ayun, panay nood lang ng mga cartoon movies at Kdrama. Tapos tayo dito nagpapakahirap sa paglalaba. Dati tayo ang pinagsisilbihan ng mga mahal nating yaya, pero ngayon baliktad na ang mundo dahil tayo na ang nagsisilbi sa mga asawa natin. Pero okay lang kasi ginagawa naman natin ito, dahil mahal natin sila at ayaw din natin silang mapagod na maglinis sa bahay. Saka buntis din e."Sambit ko kay Ziggy.
"Ayan kasi, inaraw-araw mo e' kaya nabuntis tuloy si Summer."
"Gago!"Sambit ko, at di ko tuloy maiwasang hindi mabato kay Ziggy itong hawak kong tabo.
Kira pov…
Kainis paano kaya nalaman ni Kath ang ginawa ko sa kanya? Mga katanungan sa isipan ko na kahit ako, ay hindi kayang sagutin. Paano kung ireport niya ako sa mga police or pano kung gantihan niya ako? Shit! Dapat ngayon palang ay mag-isip na ako ng kung anong dapat gawin para tuluyan na talagang mawala sa landas namin ang babaeng yun.
Kaya nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Kassandra at mabilis na pinalabas muna si Austin para hindi niya marinig ang pag-uusapan namin ni Kassandra.
"I need your help, kaya tulungan mo ako."Pagkasabi ko nun ay binaba muna ni Kassandra si Baby Zian sa crib nito.
"Hindi pa kita matutulungan sa ngayon, dahil hindi pa ako pinapayagan ni Austin na lumabas ng bahay, alam mo namang dalawang buwan pa lang ako nanganak kay Zian. Saka kapag umalis ako dito tiyak na hahanapin ako ni Austin."Ani Kassandra kaya mas lalo lang akong nainis.
"Basta tutulungan mo parin ako sa ayaw at sa gusto mo! Tapos ang usapan."Sabay alis ko.
"Seb, diri ka muna ha? Kuha lang ako ng snacks mo. Don't talk to strangers, dahil magagalit ang mommy Kath, mo."Ani Manang Anding kay Sebastian.
"Okay, po. Dito lang po ako."
"Ma, napansin ko ay kanina ka pa kinikilig dyan, kausap mo ba ang lalaking nakilala mo sa Japan noong nag vacation ka ng mag-isa lang?"Nakangiting sabi ko kay Ms Ferrer, habang si Manang Anding naman ay panay ngiti rin habang kumukuha ng mga snacks para ka Sebastian.
"Klaro kaayo nga gugma na gyud na iyang nabatian ba."Ani Manang Anding, kaya naging speechless tuloy si Ms Ferrer at namula.
"Kayo naman, nagtatanong nga lang yung tao kung kailan ang pangalawang opening ng boutique natin sa Japan. Binibigyan nyo agad ng malisya."Ani Ms Ferrer, pero hindi pa rin mawala ang kislap sa mga mata niya.
"What are your thoughts?"My Wife Mahalia asks.
"Iniisip ko ang anak natin at kung kailan mo siya patatawarin. Tumatanda na tayo Mahalia, kaya hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala kay Kath."
Padabog na binaba nito ang basong hawak niya."Lucas, naman…Alam mo naman ang kasalanan na ginawa niya, at ang kahihiyan na binigay niya sa atin. At kay Matilda at Shane di ba? Mag-isip ka nga!"
Marahan kung hinalikan ang pisngi ni Mahalia at mahigpit na niyakap siya"Basta alam kong lalambot din yang puso mo. At hihintayin ko kung kailan ang araw na yun, basta ito tatandaan mo, mahal na mahal ko kayong dalawa ng anak natin. Kaya sana wag mong masamain ang sinabi ko."
"Okay maghintay ka, sabi mo eh." Aniya.
"Kath."Napalingon ako agad kay Belle at mabilis na tinanggap ang isang baso ng Whisky.
"Belle, kumusta ang stay mo dito hindi ka ba pinapahirapan ni Eman gabi-gabi?"Namula naman si Belle sa sinabi kong yun sa kanya.
"Hindi naman, medyo lang."Sabay naman kaming natawa ni  Belle dahil sa sagot niya. At na upo sa may swimming pool, habang nilalaro ang mga paa namin sa tubig.  "Kath, thank you, and I'm sorry sa mga nagawa ko na ikinagalit mo no'n, nadala lang talaga ako kay Kassandra. Basta mag ingat ka nalang sa kanya. And you also need to know this, at ngayon palang sa sasabihin kong ito ay sana mapatawad mo ako."Sabi ni Belle, halata din ang panginginig ng boses niya.
"About what Belle?"Tanong ko na may halong kaba.
"6  years ago it was Kassandra, siya ang bumangga sayo para hindi matuloy ang pagkikita ninyo ni Austin sa Starbucks. At kasama niya ako sa loob ng sasakyan ng time na yun. I'm so sorry Kath. ''

Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon