HSR#32

30 1 0
                                    

Kathlia Pov:

      Naka uwi na kami ng bahay kahapon, at hanggang ngayon hindi parin kami nag-uusap, anyways wala rin naman akong balak na kausapin siya. Masaya na ako with my friends, actually papunta na nga sila dito ngayon, because we're having a BBQ party dito sa bahay, sa labas  sana kami kakain ngunit bawal,  alam niyo naman na nakakalabas lang ako ng bahay every school days at dahil wala kaming pasok ngayon, ay nagdesisyon nalang sila na puntahan ako dito sa bahay.

End of Pov:

    ''Manang paki bukas nalang po ang gate kapag may nag doorbell na sa labas.'' Ani ko kay Manang at kaagad din namang itong tumango.

  ''Sige Kath.''
 
     ''Dyan po muna kayo Manang, may kukunin lang ako sandali.'' Pagkatapos kong sabihin kay Manang iyon ay umalis na ako para kunin ang mga gagamitin namin sa stockroom. At napabuntong hininga sandali, sana late siyang umuwi mamaya para iwas gulo.
  
Austin Pov:

   Magkasama kaming lahat ngayon papunta sa bahay nila Kath, nakapag grocery narin kami ng mga meats and drinks para sa BBQ party na gagawin namin sa bahay nila. Excited na akong makita siya, ang babaeng mahal ko, kahit bawal.
 
    End of Pov:

   Inis na nakatingin lang sa akin ang pinsan kong si Elana, isinama kasi ni Tristan ang ex niyang si Ziggy.
  
    ''Okay lang ba siya?'' Nakangusong tanong ng kaibigan kong si Ziggy at ako naman ay napasinghap na lang sa kanya.
  
       ''Malamang di okay yan, hiniwalayan mo kasi, tapos iniwan mo pa.'' Seryosong kong sabi sa kanya at kasunod din nun ay ang pagpaandar ko ng sasakya papunta sa bahay nila Kath.
     
     Kung sa bagay may punto din si Tristan, kasi ako naman talaga ang ng iwan kay Elana, pero di naman talaga naging kami.

Elana Pov:

    Kung alam ko lang talaga na nandito din ang isang yan, na walang ibang ginawa kundi saktan lang ako noong mga panahong inakala kong mahal niya din ako. Pero I'm so stupid! kasi akala ko lang pala yun, sarili ko lang pala ang niloloko at pinaniwala kong mahal ako ng taong mahal na mahal ko, at dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon sa kanya, para bang gusto ko siyang itapon sa kinauupuan niya ngayon, para mabayaran niya ang kahihiyang ginawa niya sa akin dati, sa harapan ng babaeng higad na girlfriend niya kuno.

End of Pov:

    After 30 minutes of driving ay nandito na kami sa labas ng gate nila Kath, kaya sinabihan ko nalang ang nobyo kong si Tristan na siya na ang mag doorbell ng gate, kailangan pa kasi namin ibaba ang mga nabali namin galing sa supermarket.

''Hey paano nga pala kung nandyan ang kaibigan niyo?''

    ''He's not here, dahil nasa office siya ngayon.'' Dugtong ni Ziggy kaya napatango naman itong si Summer at napalundag dahil sa tuwa.   

  Habang nasa stockroom ako ay biglang tumawag si Max , magsasalita  sana ako pero naunahan niya ako, kaya wala na akong nagawa kundi ang tumahimik nalang at makinig sa sasabihin nito sa akin.

     ''We need to talk later, kaya wag ka munang matulog, hintayin mo ako na dumating sa bahay.'' Sabay end call nito. Bigla akong napa isip, hindi kaya tungkol ito sa sinabi niyang pakikipag divorce sa akin? Tila na nabalik ako sa realidad ng biglang tinapik ni Summer ang braso ko. 
  
    ''Bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo ngayon Kath, may problema kana naman ba?''

      ''Wala akong iniisip and I also don't have a problem, kita mo naman lahat ng ito diba? ako lang naman ang mag isang naglagay niyan dyan.'' Sabay turo ko kay Summer nitong pang grilled ng BBQ at para maiba rin ang topic na mapag-usapan namin.
 
     ''Okay sige palusot accepted, baka kasi umiyak ka dyan.''
   
      ''I miss you Sweetheart.'' Nakangiting sabi ni Austin na siya namang nagpakilig sa kanilang lahat, na ikina-pula naman ng magkabilang kong pisngi dahil sa kahihiyan, bigla kasi umakbay sakin si Austin sa harap nilang lahat.
    
   ''Sana all may isang Sweetheart na katulad ni Austin.'' Naiingit pang saad nila Elana.
 
    ''Oo nga noh? sana all may katulad ng sa amin ni Kath, di tulad ng iba dyan, na wala man lang Sweetheart o kahit mahal man lang sana na tatawagin siya.''

     ''Kahit kailan talaga ikaw! lagi mo nalang akong inaasar, okay fine! kayo na ang may ganyan tapos ako wala.'' Naka busangot na sabi ko kay Summer, ewan ko ba sa pinsan kong yan, ako nalang talaga ang lagi niyang iniinis, bawal na ba akong mangarap ng lalaking katulad ni Austin?    

     ''Paano ka nga din naman magkakaroon ng Austin sa buhay mo kung ganyan naman ang itchura mo.'' Dahil sa sinabi ni Ziggy inis kong inirapan ito pero takte! tinawanan lang ako ng gago.

''Wow! Ziggy hanggang ngayon ba naman insultuhin mo parin ako? palibhasa kasi feeling gwapo ka.''

   ''Excuse me? di ako nag fefeeling  sadyang gwapo lang talaga ako, baka nakalimutan mo na minsan mo akong iniyakan.'' Pagyayabang ni Ziggy habang inaayos ang kwelyo ng suit nito. At ako naman ay napa takip nalang ng bibig ko dahil nabigla ako sa sinabi nito.

   ''Di ba pwedeng na puwing lang ako noon, kaya ako napaiyak?''
   
    ''Tama na nga yang away niyo, mabuti pa tulungan niyo nalang kami dito, kaysa mag-away pa kayo dyan na parang aso't pusa.''
 
   ''Sabihin mo kay Elana yan, wag sa akin Tristan. Palibhasa kasi Bitter parin.''

     ''Aba! ako pa talaga ang naging bitter ngayon? Excuse me matagal na akong nakapag move on, sa nangyari sa ating dalawa noon,  tapos ngayon pagsasabihan mo akong bitter? the heck!''

    ''Bakit ang tahimik mo naman yata ngayon?''
   
    ''Nag-iisip kasi ako, kong paano ko siya mapapayag na pirmahan ang annulment namin.''

     ''Kaya mo yan, I know mapapa perma mo din siya, kaya bago kapa mag-isip ng kung ano-ano dyan why not samahan mo nalang akong mag shopping ng mga gamit.'' Mungkahi ni Kira.

  ''Makakahindi pa ba ako sa babaeng pinakamamahal ko?''  Kaya mabilis na akong napatayo sa swivel chair ko at kaagad na pinindot ang sleep mode nitong aking laptop, at pagkatapos nilapitan ko si Kira at dahan-dahang hinalikan ang pisngi at mga labi nito.


   ''Kath are you okay?''

  ''Yes, okay lang ako why?''
 
''Kanina ko pa kasi napapansin na ang tahimik mo, you can tell me Kath, pakikinggan kita kung may problema ka man.''
   
   ''Hays! ikaw talaga Austin, kahit ilang palusot pa ang gawin ko para makapag sinungaling lang sayo, ay alam na alam mo parin na may problema ako,  matanong nga kita. May lahi kabang manghuhula?'' Saad ko habang ginugulo pa ang buhok nito kaya biglang napapikit ang singkit nitong mga mata. Ang cute!''  
    
   Seryoso ko munang tinignan si Austin, hanggang sa humarap na din ito, sa akin habang naghihintay ng sasabihin ko''He's divorcing me and I'm not happy about it. At alam kong yan ang rason ng pagtawag niya kanina na pag-uusapan namin ngayon pag-uwi niya, alam ko naman Austin eh, matagal niya ng gustong gawin ito, ang hiwalayan at iwan ako para makasama niya na ang babaeng mahal niya, at alam kong di na ako yun.''

   Magsasalita pa sana ako, ngunit biglang dumating si Summer at sinabing naka handa na daw ang pagkain sa mesa, halatang gutom na din sila.
  
    ''Mukhang masarap ito ah.'' Takam na takam pang sabi ni Elana habang pinagmamasdan ang bbq pork na kanyang hawak at inaamoy amoy.
  
    ''Malamang masarap yan. Kasi ako ang nagluto niyan.''Proud pang sabi ni Ziggy nakapag grilled lang naging proud na agad.
   
    ''Ay! binabawi kona pala ang sinabi ko kanina, ikaw naman pala ang nagluto nito? Tsk! tignan mo nga o, mukhang na overcooked pa yung meat. nasayang lang tuloy ang pagkain.'' Iling-iling pang sabi ni Elana kaya napangiwi si Ziggy at napakamot ng kanyang ulo.

    ''Tama na nga kayong dalawa diyan, itong plato oh! mag share nalang kayo, mukha kasing pareho pa kayong bitter na bitter sa isat-isa dyan.''

    ''Ew! ako bitter Summer? hindi nga naging kami ng babaeng yan eh!'' Ang kapal talaga ng mukha ng isang ito, konti nalang talaga mababatokan ko na siya.
  
''Saka hindi ko type ang mga katulad niyang nerd noh.''

    ''Oo ayaw mo sa mga nerd na katulad ko, gusto mo yung mga babaeng higad na umaaligid-aligid sayo, mga babaeng kulang-kulang ang tela sa suot nilang damit.'' Di ko nilalahat guys ha! this is just between me and Ziggy at sa babaeng kasama nito nuon.
 
''Atleast maganda at sexy kaysa sayo na nerd at pangit pa!''

   ''Hoy! Ziggy magdahan-dahan ka dyan sa mga pinagsasabi mo sa pinsan ko, dahil baka isang araw gumanda yan bigla at habol-hablon mo na parang aso.
Reply
Forward

Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon