chapter 124 "Realization"

205 16 0
                                    

A/N: Hey! There! Enjoy reading!

Drixon's Pov.

Nandito ako sa labas ng room ni panget habang kasama ko ang mga ugok kong kaibigan.

Nasa loob abg pamilya ni panget kung kuyat dumito na muna kami. Nagamot na ang sugat ni panget kanina at nagpapahinga pa siya sa loob.

Ang tigas nga ng ulo kanina eh. Ayaw pa sana magpagamot buti na lang nadala sa sama ng tingin ko sa kaniya tse!

Pa'no ba naman, andami pa niyang satsat para di na magpagamot. Keso raw----

"Malayo sa bituka ang tama ko kaya di na kailangang dalhin pa ako dito."

"Kaya ko 'to dahil hindi pa naman ako mamatay."

"Walang wala to sa akin. Ara daplis lang tsk!"

"Tumigil ka nga Bisugo!? Daig mo pang ikaw ang natamaan. Di pa ako mamamtay uy!"

"Tsk! Hindi ako pingalanan sa pangalan ko kung di ko kaya ang daplis sa balikat ko."

"Psh! Ako pa! Walang wala to sa isang tulad ko. Ayos sana kung sa puso di tsugi na ako tsk!"

'Yan yung mga satsat niya kanina bago pa man nagamot ang sugat niya.

Tse!

Ang yabang talaga kahit kailan. Ang ikinainis  ko pa ay yung huling sinabi niya.

Parang di ata takot mamatay ang panget na 'yon!

Sabihin niya lang kung gusto niyabg mamatay ako mismo kakatay sa kaniya psh!

"Oh? Bakit ganiyan ang mukha mo? Mas lalo ka atang pumanget, dude!" Pang aasar pa ni Keart.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napaiwas siya ng tingin sa akin.

Nagamot na din ang mga sugat namin. Ako ang medyo napuruhan ang mukha dahil sa lintik na unggoy na 'yon!

"Wag ka ng mag alala sa kaniya, dude. Ayos naman na siya eh. Masyado ka ng halatain." Biglang sabi pa ni Keith.

Kunot noong tiningnan ko siya ng matalim.

Tse!

Masyadong madaldal!

"Oh! Kumain na muna kayo." Sabi pa ng kakarating lang na si Lyle.

May dala siyang burger at sandwich na may kasamang juice.

Inabot niya sa amin ang para sa amin. Akmang kakain na kami ng biglang lumabas ang pamilya ni panget.

Pormal lang ang mga mukha nila. Pero bakas pa rin ang seryuso sa mga mukha nila.

Nakaramdam tuloy ako ng kaba. Baka pagalitan kami. Pero ayos lang naman dahil kasalanan naman talaga namin.

Kanina nung dumating sila ay wala akong nakitang bakas ng pag aalala sa kanila.

Fall Into Her season Two (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon