A/N: hello mga readers hope you enjoy reading guyss!
Expecting some wrong grammars and typos here.
Don't forget to Vote, comment and Follow!
____________________________________
Drixon's Pov.
Pagkaalis namin ni panget sa hardin ay dumeretso na kami sa building namin. Tahimik lang kaming dalawa at may kaniya kaniyang iniisip. Kaya lang mas sobrang lalim ata iyong iniisip niya kesa sa akin.
Hanggang sa makarating kami sa floor namin ay malalim pa rin ang iniisip niya. Pagpasok namin ay dumeretso na siya sa upuan niya gano'n din ako.
Pero ang nga mata at nanunuksong mga ngisi ng dalawang asungot agad ang sumalubong sa akin.
Hindi ko nalang sila pinansin alam ko namang aasarin lang ako ng nga loko.
Sumandal nalang ako sa upuan ko at blankong nakatingin sa harap.
"Uy! Ano 'yon, ha? Bakit magkasama kayo ni Ashi?" Pangungulit pa ni Keart.
Pero di ko siya pinansin."yaan mo na Keart.. moment nila 'yon wag mo ng alamin hahaha." Sabi pa ni Keith sabay tawa.
"Ay! Oo, nga pala no! Hahaha. Dumadamoves ang kaibigan natin, ah hahaha." Sabi pa ni Keart at natawa sila ni Keith.
Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin. Pero ngingisi ngisi lang sila.
Sumisipol sipol pa si Keart. Habang si Lyle naman ay busy sa cellphone habang naka head phone.
Hindi ko nalang pinansin ang dalawa hanggang sa pumasok na ang lec namin. Nag bigay lang siya ng instructions bago ipinamigay ang nga test papers namin.
Tahimik lang kaming lahat habang sinasagutan ang mga test papers namin. Pero sadyang mga loko 'tong mga katabi ko. Mahinang nag uusap sila at saka nagtatawanan pa.
Halatang inaasar lang nila ako. Buti nalang hindi sila napapansin ng lec namin.
Nagfucos nalang ako sa pagsasagot. Mayamaya ay nakita kong tumayo si Panget at ng pasa ng papel. Napatingin ako sa relo ko. Wala pang thirty minutes ah. Tapos na agad siya? Nasa number fifty pa nga lang ako. Tiningnan pa ng lec namin ang papel niya saka deretsong naupo uli si panget sa upuan niya.
Ang bilis naman niyang matapos. Sinagutan ko nalang uli ang sa akin maya maya sabay na tumayo si Xandra at Kyla saka nagpasa. Gano'n na din si Lyle. Pinagpatuloy ko nalang ang sa sa'kin. Hanggang sa matapos ako at nagpasa. Sumunod ang dalawang ugok kaya bumalik na ako sa upuan ko.
Hanggang sa matapos na ang lahat. Punasok na uli ang next lec at nagpa exam agad.
Natapos ang exam sa hapon at uwian na rin. Sabay sabay kaming lahat na bumaba ng building at dumeretso sa cafeteria. Hindi na kasi kami nag break time kanina.
Dumeretso na ang mga babae sa table at kami naman ang nag order. Nag order lang ako ng tig da-dalawang brownies at dalawang bote ng cook.
Sabay kaming pumunta sa table ng matapos kaming mag order. Naupo ako sa tabi ni panget sabay lapag sa harap niya ang dalang slice ng brownies at isang bite ng cook.
Hindi naman kami pinansin ng kasamahan namin kasi kaniya kaniya din silang kuha ng cake na order nila Lyle.
Kumain nalang ako at napatingin kay panget ng di niya ginalaw ang kaniya.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Two (Complete✓)
Ficțiune adolescenți||•Under Edited•|| Here we go!! SEASON 2 Season 1 must be read before this season 2 guyss!! #Teenfiction