Xandra's Pov.
Pagod na naupo kami sa sofa rito sa bahay dahil kakauwi lang namin. Grabe! Magaling din ang mga nakalaban namin kanina kaya pagod talaga kami.
Napatingin ako kay Ashi na parang may malalim na iniisip. Kanina pa 'yan ganiyan mula lunch time.
Ano kayang iniisip nito?
Hindi kaya iyong tie score nila ni Trixie kanina? Pero parang hindi naman.
Hayst!
"Hey! Ash, ayos ka lang ba?" tanong ko rito.
Pero hindi man lang natiniga at nanatiling tahimik at may malalim na iniisip.
"Anyare sa kaniya?" takang tanonh pa ni Kyla.
Napailing ako habang nakatingin kay Ashi.
"Ewan, kanina pa siya mapatapos ang lunch." sabi ko pa.
Napabuntong-hininga na lang si Kyla. Kanina noong naglalaro siya ay alam kong dahil 'yon sa pamilya niya kaya na failed siya sa tira niya.
Tss!
Akala ko talaga kanina madidistract siya sa paglalaro dahil si Trixie ang kalaban niya.
Ang girlfriend ng ex niyang gago!?
Napahinga ako ng malalim bago tumayo at tinapik ang balikat ni Ashi. Napatingin siya sa akin habang may nagtatakang tingin.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko pa sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya at umiling.
"Nando'n sila sa university kanina." biglang sabi pa nito.
Naupo ako habang nagtatakang tumingin sa kaniya.
"Sino?" tanong pa ni Kyla.
"Sila Luke, kasali sila sa sportsfest. Sila ang players ng basketball sa MLMSU." sagot pa nito.
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Kyla.
"Ano!?" tanong ko pa.
Napabuntong-hininga siya bago nagsalita.
"Nagtext ang gago kanina kaya lumabas ako ng room kanina. Tinawagan ko ito at sinabi niyang kasali sila sa sportsfest." walamg ganang sabi pa nito.
"MLMSU? Iyon 'yong school ng mga gangsters, 'di ba?" tanong pa ni Kyla.
Oo nga! Nagulat pa nga ako kanina nang banggitin ang university na iyon.
Ang university na iyon ang paaralan ng mga gangsters na may iba't ibang grupo. Hindi ko naisip na doon din pala ang-aral sila Luke.
Kaya pala.
Tss!
Doon din sa university na iyon nag-aral ang grupo ng mga gangsters na bumugbog kay Ashi no'ng gabing naghiwalay sila ni Debbien.
Psh!
Mga weak din naman ang mga 'yon kung tutuhanin talaga naming kalabanin sila.
Pasalamat sila at ayaw ni Ashi na makialam kami.
Tss!
"Oo. Nakalimutan kong doon pala nag-aral ang mga unggoy na 'yon." malumay na sagot ni Ashi.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Two (Complete✓)
Roman pour Adolescents||•Under Edited•|| Here we go!! SEASON 2 Season 1 must be read before this season 2 guyss!! #Teenfiction