chapter 147 "Worried"

120 15 0
                                    

Drixon's Pov.

Natapos ang laro namin na kami ang nanalo. Muntik pa kaming matalo dahil sa badtrip ko. Biglang umalis si Panget kanina at halatang nagmamadali ito.

Halata ko pa ang pag-aalala sa mukha niya kanina habang may kausap sa cellphone.

Fvck!?

Sino na naman kaya ang kausap ng panget na 'yon at gano'n siya mag-alala kanina?

Sinabihan ko na siyang 'wag umalis pero umalis pa rin siya. Nakita ko siya kanina habang naglalaro kami.

Nakaramdam din ako ng kaba kanina hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

Si Panget ang nasa isip ko.

Hindi kaya sila Luke ang dahilan?

Shit!

Mabilis na kinuha ko ang bag ko at hindi na nakinig kay coach. Tinawag pa ako nila Lyle pero hindi ako nakinig.

Nagmamadali akong lumabas ng gym at pumunta sa room nila Panget.

Pero wala akong nadatnan. Pumasok ako sa room namin at inilagay sa upuan ang gamit ko.

Mabilis na lumabas ako para hanapin si Panget. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.

"Dre! Saan ka pupunta?" rinig kong sigaw ni Keith.

Tumakbo ako at hindi nakinig sa kaniya. Luminga-linga ako sa paligid. Parang may hindi magandang nangyayare.

Bigla kong nakita sila Xandra na makakasalubong ko. Mabilis na lumapit ako at hinarangan sila.

"Drix? Anyare sa'yo?" takang tanong pa ni Kyla.

"Si Panget! Nakita niyo ba siya?" nag-aalalang tanong ko pa.

Nagtataka nila akong tiningnan.

"Hindi, bakit ba?" tanong ni Xandra.

Napahilamos ako ng mukha bago 'di mapakaling nagsalita.

"Nakita ko siyang may kausap sa cellphone kanina at nagmamadaling umalis habang may pag-aalala  sa mukha niya." sabi ko pa.

Natigilan sila habang nagkatinginan si Kyla at Xandra.

Fvck!?

Hindi ako mapakali dahil lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko.

Panget!

"Hey! Calm down, Drix. Baka tinawag ng pamilya niya." sabi pa ni Bella.

Akmang magsasalita na ako nang makita namin si Trixie na nagmamadaling lumapit sa amin.

Halata ang pagod at pag-aalala sa mukha nito habang hingal na hingal.

"Trixie? What happened to you?" rinig kong tanong ni Lyle na kakarating lang nila.

"Kanina ko pa kayo hinanap. S-si Ashi!" hinihingal na sabi pa niya.

"Si Panget? Nakita mo siya?" nag-aalalang tanong ko.

Tumingin siya kela Xandra at Kyla bago kinalma ang sarili at nagsalita.

"Umalis siya at sinundan ang mga lalaking dumukot kay, Deb!" nag-aalalang sabi niya.

Fall Into Her season Two (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon