chapter 161 "Strange feeling"

166 14 0
                                    

Xandra's Pov.

Pabalik na kami sa building namin ngayon dahil kakatapos lang namin nag lunch.

Hindi kumain si Ashi ngayon dahil busog pa raw ito at ayon!

Nando'n na naman sa tambayan niya sa garden. Gusto niyang i-relax ang utak niya sa dami ng iniisip niya.

Sino ba kasing nagsabing isipin niya ang mga 'yon.

Tuleg rin minsan ang pinsan ko, ah!

Bagay silang pagsamahin ni Drix.

Kaya lang wala sa ayos ang dalawa ngayon. Daig pa nilamg hindi nagkakilala, eh!

Tss!

Sa mga lumipas na araw mula nung nangyare sa parking lot ay merong nagbago.

Tinototoo talaga ni Drix na huminto na sa panliligaw kay Ashi at hindi na rin ito sumasama sa amin.

Marami ang nagtataka sa inasal ni Drix pati na rin si Ashi.

Laging tahimik at blanko lang Bisugo. Panay pa ang tulog sa klase dahilan para mapagalitan siya ng nga lec namin.

Pero ang loko walang paki kahit pinapagalitan na siya.

Hindi na rin ngumingiti o tumatawa. Ang sabi nila Lyle ay bumalik na sa dati si Drix.

Nagtaka pa nga kami. Hindi naman kasi ganiyan ang Drix na nakilala namin noong unang linggo namin dito sa university noon.

Yun pala ang Drix na hindi pa natutong umibig at nanligaw noon ang tinutukoy nila.

Kung ano ang inasal ni Drix ngayon ay iyon ang dating siya bago niya raw niligawan si Trixie dati.

Psh!

Andaming alam ng mga tukmol!

Tss!

"Guys, hindi pa rin ba nagka ayos ang dalawa?" biglang tanong pa ni Stella.

Napabuntong-hininga kami at umiling.

"Ano ba kasing nangyare sa lola niyo? Bakit bigla silang nagkaganito?" nakangiwing tanong pa ni Mello.

"Hindi namin alam. Wala naman siyang sinabi kung ano ang problema niya." malumay na sagot ni Kyla.

"Hayst! Ang laki ng nagbago sa dalawa. Daig pa nilamg strangers." nakangusong sabi ni Theresa.

"Psh! Magkakaayos rin ang dalawang 'yon. Paniguradong hindi matitiis ni Drix si Ashi." sabi pa ni Keart

Sabay sabay kaming napapailing sa sinabi ni Keart.

Halos isang dalawang linggo na nga ang lumipas mula nang nagkasagutan ang dalawa.

Tapos hindi matitiis ni Drix?

Tss!

"Anong hindi matiis? Magdalawang linggo na natiis pa rin ni Drix." nakangiwing sabi ni Bella.

Napakamot na lang ng batok si Keart.

"Let's understand him. Alam nating nasaktan lamg ang isang 'yon." sabi pa ni Lyle.

Napatango si Keith bagi nagsalita.

"Yeah. Ikaw ba naman manligaw ng isang buwan kahit na hindi na sana dapat gawin ni Drix dahil nagpromise si Ashi sa kaniya na ibigay ang lahat ng gusto nito kapag naipanalo ang laro. Tapos ngayon sasabihing 'I don't understand your feelings because I don't feel the same.' Sinong hindi masasaktan niyan?" Mahabang saad pa ni Keith.

Fall Into Her season Two (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon