A/N: hello guyss! Hope you enjoy reading and please do support me in this story.
Don't forget to Vote, comment and Follow!
______________________________________
Liam Pov.
Kakaalis ko pa lang ng bahay ngayon at patungo na ako sa school. Matapos ang pag uusap namin ng mga pamilya nila Ashi kahapon ay agad na akong umuwi.
Alalang ala talaga ako kay Ashi kahapon. Alam kong iba siya at hindi basta basta nagpapa tama sa mga nakaaway niya.
Pero kahapon ay hinayaan niya lang na mapuruhan siya. Dahil siguro nando'n ang pamilya niya kahapon.
But, knowing her. Alam kong takaw gulo siya noon pero pinipili naman niya. She can handle everything in her own way.
Hindi naman sa lahat ng panahon ay takaw gulo talaga siya. Sadyang, hindi lang nakikita ng pamilya niya ang lahat ng mabuting nagawa niya.
Kilala ko si Ashi at alam kong gagawin niya kong ano ang nararapat Matapang siya oo, pero hindi sa lahat ng panahon.
Malakas nga si superman na may super powers pa pero napuruhan pa nga. Siya pa kaya na babae pa.
Napapailing nalang ako. Hanggang sa makarating na ako sa parking lot ng campus. Nag park na agad ako bago bumaba at pumasok sa loob.
As usual, marami na namang nagtitilian. Pero di ko nalang sila pinapansin. Nakapamulsang naglakad nalang ako.
Blankong naglakad ako patungo sa college building. Araw araw kapag pumapasok ako ay marami ng nagtitilian. Pero di ko naman pinapansin.
Nagiging hyper lang ako kapag kasama ko sila Ashi. Pero pag hindi ay tatahimik lang ako. Pero nagmamasid naman sa paligid.
Pagka akyat ko sa floor namin ay nakasalubong ko si Kaye Zenn. Tahimik lang siya at parang may iniisip.
Tsk!
Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok sa classroom. Natahimik ang lahat ng pumasok ako. Kapag nasa loob ako ng room ay gusto ko ng katahimikan.
Mas makakapag concentrate kasi ako kapag peaceful ang paligid ko.
Hindi pa man ako nakakaupo ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko nalang sa pocket ko at sinagot.
"Hey!" Sagot ko.
Rinig ko ang mga tilian sa kabilang linya. Napangiti nalang ako. Kahit kailan 'tong kaibigan ko habulin ng babae.
"Wag kang ngumiti, tsk!"
Napapailing nalang ako sa sagot niya. Kahit kailan ang lakas niyang makaramdam.
"Lakas makaramdam, ah!" Natatawang sabi ko pa.
"Tsk! Di ka pa nasanay." Cool na sagot niya.
Napapailing nalang ako. Kahit di ko nakikita alam kong nakangisi 'tong ugok na 'to psh!
"Tss! Bat ka napatawag?" Tanong ko nalang.
Rinig kong napabuntong hininga pa siya bago nagsalita.
"Nandyan na ba ang pinsan ko?" Tanong pa niya.
Psh!
"Hindi ako hanapan ng tao, pare." Natatawang sabi ko pa.
"Tsk! I'm serious." Seryusong sabi niya.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Two (Complete✓)
Teen Fiction||•Under Edited•|| Here we go!! SEASON 2 Season 1 must be read before this season 2 guyss!! #Teenfiction