Chapter 134 "Last practice"

129 13 0
                                    

Drixon's Pov.

Friday na ngayon at last practice na lang namin para sa sportfest. Naging maayos naman ang practice naming lahat.

Lahat ng kasali sa sporstfest ay handa na at excited na excited pa. Kahit ang mga kasama ko ay gano'n na rin. Maliban na nga lang kay Panget.

Parang wala lang sa kaniya ang darating na sporstfest. Sa mga araw na nagdaan ay parang may iniisip siya.

Nagtataka nga rin pati sila Xandra at Kyla. Hindi nila alam kung ano ang nangyari sa Panget na iyon. Mula kasi no'ng lumabas kaming lahat at kumain sa labas ay nag iba siya.

Parang laging nakatutok sa cellphone niya ang kaniyang attention. Minsan pa nga ay hindi na gano'n ka ganda ang practice niya.

Minsan naman ay pagkatapos na pagkatapos ng practice ay lahat kami pinapauwi niya agad.

Tulad na lang kahapon. Gusto pa sana naming mag kape sa coffee shop sa labas ng campus ay hindi siya pumayag.

Lahat kami ay nagtataka.

Tse!

Napabuntong-hininga na lang ako. Nandito ako sa hallway at inaabangan ang mga kaibigan ko.

Pasado alas-sais pa ng umaga. Sabi kasi ni coach ay dapat maaga kami dahil last practice na namin ngayon.

Inayos ko na lang ang buhok ko. Hindi pinansin ang mga studyanteng dumaan sa harap ko na parang kinikilig. Tse!

Naghintay pa ako ng ilang minuto ay nakita ko na ang tatlong mga ugok.

"Oh? Good morning, dre. Kanina ka pa rito?" tanong pa ni Lyle.

"Medyo," maikling sagot ko.

"Ang pogi natin ngayon, dre ah!" nakangising sabi pa ni Keart.

Tse!

"Anong meron, dre?" nakangising tanong din ni Keith.

Magpinsan talaga silang dalawa, eh 'no?

Psh!

"Nothing," walang ganang sagot ko at nagsimula nang maglakad.

"Sus! Kunwari ka pa, dre! Alam naming may pinapapogian ka, eh!" pang-aasar pa ni Keart.

"Tse! Tumahimik nga, Evans! Lagi naman akong gwapo, ah! Psh!" pasinghal na sabi ko pa.

Narinig kong natawa sila kaya 'di ko na sila pinansin.

Dumeretso kami sa gym ng secondary. Pagdating namin ay halos nandito na ang lahat.

Agad kaming lumapit kay coach nang tawagin kami nito.

"Since last practice niyo na ngayong araw, gusto kong mas ayusin at galingan niyo pa. Sa Monday ay magsisimula na ang sportsfest. Limang university ang maglalaban-laban sa sportsfest. At mag ingat kayo sa mga makakalaban niyo. Alam niyo namang tulad last year ay may mga maruruming maglalaro. Kaya dapat ay maging maingat at aware kayo sa kalaban niyo." mahabang lintaya pa ni coach.

Tumango at nakinig lang kaming lahat ng mabuti.

"Coach, anong schedule namin sa Monday?" tanong pa ni Kiro ka team namin.

Fall Into Her season Two (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon