A/N: hello guys hope you enjoy reading.
Expecting some wrong grammars and typos here.
Don't forget to Vote, comment and Follow!
____________________________________
Ashi Vhon's Pov.
Agad kong tinungga ang laman ng baso ko matapos magsalin ng alak. Ibinaba ko ulit ang baso at muling nagsalin. Nakaupo ako kami ni Bisugo sa isa sa table ng bar. Kumukuha pa ng alak si Keart at Kyla. Habang si Xandra ay kausap sila Joyce at Mina. Hindi na muna kami nagduty dahil pasado alas nuebe na ng gabi.
Tahimik lang ako habang naka pandikwatro. Pinaglalaruan ko ang hawak kong basong may alak. Nakatingin ako sa stage kung saan tumugtog ang banda ng bar namin.
Malalim na bumuntong hininga ako sabay sanday sa upuan ko. Blankong inikot ikot ko ang laman ng baso. Pagkatapos ay tinungga ko. Napapikit pa ako at nanatiling sa gano'ng position.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Nagpakawala ako ng buntong hininga sabay mulat at salin sa baso ko at tinungga ang laman.
Ramdan kong nakatingin sa 'kin si Bisugo.
"Dahn dahan lang..hindi naman kita uubusan." Sita pa nitong muki kong tunggain ang laman ng baso ko.
"Tsk!" Singhal ko at hindi siya pinansin.
"Bakit pala dito ka nagyayang uminom?" Tanong pa niya psh!
"Tsk! Alangan naman sa mall, psh!" Pabalang na sagot ko.
Ramdam ko ang pagsama ng tingin niya.
"Ang sarap mo talaga kausap, eh, 'no?" Sarkastikong tanong pa nito.
Psh!
"Bakit? Tinikman mo ba? Anong lasa?" Sarkastikong tanong sabay tingin sa kaniya.
Tinaliman niya ako ng tingin at napapailing.
"Kahit kailan wala kang kwenta kausap!" Pikon na singhal niya sa 'kin.
Nagsalin nalang uli ako at tinungga na naman. Kita kong napangiwi ito.
"Bakit? Binilang mo ba?" Walang ganang tanong ko.
"Abay!----"
"Hep! Hep! Wag kayong mag away..puro pa naman kayo brokenhearted." Biglang sulpot ni Keart sabay lapag ng hawak na alak.
Inilapag naman si Kyla ang dalang pulutan. Kumuha ako ng pulutan ng nakakamay.
"Abah! Magkutsara ka nga! Madumi 'yang kamay mo! Hindi ka pa naman naghugas ng kamay!?" Inis na sita pa ni Bisugo.
Blankong tiningnan ko lang siya at napapailing nalang.
"Tsk! Kahit di ako maghugas ng kamay sa isang araw ay malinis pa rin ang kamay ko." Sagot ko.
"Tse! Kahit kailan ang yabang mong tomboy ka!" Pasinhal na sabi pa niya.
Bumali ang leeg ko at tiningnan siya ng maige gamit ang blanko kong mukha.
"Tomboy? Sinong tomboy?" Walang interes natanong ko.
Napaismid naman siya bago nakangiwing nagsalita.
"Sino pa ba? Alangan namang ako? Malamang ikaw!"nakangiwing saad nito.
Napangiwi ako sa sinabi niya bago nagsalin ng alak.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Two (Complete✓)
Novela Juvenil||•Under Edited•|| Here we go!! SEASON 2 Season 1 must be read before this season 2 guyss!! #Teenfiction