chapter 151 "Be my girlfriend"

193 14 0
                                    

Ashi Vhon's Pov.

Nandito na kaming lahat ngayon sa gym para sa laro nila Bisugo. Ang ingay-ingay ng lahat ng nandito.
Kausap nila Bisugo ang coach nila at seryusong nakikinig lang sila.
Napatingin ako sa kamay ko. Hindi naman na mahapdi at masakit ang sugat ko. Kanina lang nang magalaw at bumuka ang sugat ko dahil sa paghila ko sa palaso kanina.

Tsk!

Napabuntong-hininga na lang ako sabay sandal sa upuan ko. Biglang nagbubulungan at nagtilian ang mga studyanteng malapit sa gawi namin.

"Oh! My! Ang gwapo talaga niya!"

"Yeah! Ang hot pa niya tingnan!"

"Ang talino rin niya, ano?"

"Oo nga, sabi ng kaibigan ko ay napakabait din niya."

"Oo nga! Ang swerte naman ni Ashi dahil naging sila ni Deb dati."

"Sinabi mo pa,"

"Maganda rin naman si Ashi, eh."

"Oum. Bagay nga sila,"

"Ang swerte rin ni Trixie sa kaniya."

"Sinabi mo pa, no wonder kung bakit pinagpalit ni Trixie si Drix sa kaniya."

Rinig kong mga bulungan at tilian nila. Napapailing na lang ako at pumikit.

"Uy! Papalapit si Kuya Deb!"

"Ang gwapo talaga ni Kuya!"

"Yeah! Ang haba ng hair ng lola niyo, ano?"

"Oo nga, nabihag ng lola niyo ang puso ng gwapitong 'to!"

Rinig kong bulungan nila Mello. Napakunot na lang ang noo ko habang nakapikit pa rin.

Rinig ko na uli ang sigawan ng lahat dahil mukhang magsisimula na ang laro ng basketball.

Naramdaman ko pang may naupo sa tabi ko pero hindi ako nagmulat ng mata.

"Are you, ok? Hindi na ba masakit ang kamay mo?" Tanong ng katabi ko.

"Tsk! I'm fine." Nakapikit na sagot ko.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

"Saan mo ba nakuha ang sugat na 'yan?" Tanong na naman nito.

Tsk!

"Napalaban kagabi sa resto bar." Walang ganang sagot ko.

Ramdam kong napatingin ito sa akin. At kahit hindi ko tingnan ay alam kong nakakunot na ang noo niya.
Bakit nga ba nandito ang isang 'to?

"Napalaban ka? Kanino?" Takang tanong nito.

Nagmulat ako ng mata bago lumingon sa kaniya. Nakakunot nga ang noo niyang nakatingin sa akin. May nakita pa akong pag-aalala sa mukha niya.

"Tsk! You don't need to know---"

Fall Into Her season Two (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon