chapter 123 " Tama ng baril"

153 15 0
                                    

A/N: Hello guyss! Hope you will enjoy reading!

Expecting some wrong grammars and typos here po. This is unedited!

Don't forget to Vote, comment and follow!

______________________________________

Drixon's Pox.

Alas singko pa lang ay gising na ako. Agad na rin akong kumilos para maaga rin akong makapunta sa campus ngayon.

Kahit badtrip ako kahapon ay gusto ko pa ring maagang pumasok. Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis.

Nagsuot ako ng uniform at medyas na kulay itim at sapatos na itim. Pagakatapos ay inayos ko ang buhok ko. Naglagay ako ng pabango kong lacoste.

Nang matapos ay bumaba na ako. Naabutan ko si Manang na nasa sala at may ginagawa.

"Good morning, Manang." Nakangiting bati ko.

Nag angat siya ng tingin bago nagsalita.

"Magandang umaga naman, hijo. Ang aga aga mo na naman ata ah." Sabi pa ni Manang.

Ngumiti nalang ako bago lumapit sa kaniya at inilagay sa sofa ang bag ko at naupo.

"Papasok ako ng maaga Manang." Sabi ko na lang.

Narinig kong natawa si Manang kaya napatingin ako sa kaniya.

"Abay sunod sunod na ang pag pasok mo ng maaga, hijo. Nakakapanibago ka na talaga." Nakangiting sabi pa ni Manang.

Natawa na lang din ako.

"Tse! Ganun talaga, Manang. Araw araw may pagbabago ang tao kaya ganito siguro ako." Nakangiting sabi ko pa.

Natatawang umiling naman si Manang.

"Hindi 'yon dahil do'n, hijo. Baka naman may inspirasyon ka na ngayon kaya lagi kang pumapasok sa umaga." Nakangiting sabi pa ni Manang.

Si Manang talaga.

"Hindi ho, Manang. At kung meron sino naman?" Natatawang tanong ko kay Manang.

"Abay malay ko bang baka iyong laging naka away mo sa school niyo. Iyong bagong----"

"Si panget? Nah! I'm not!" Napapailing na putol ko kay Manang na ikinatawa na naman niya.

Bakit halos silang lahat ay si panget ang---ugh!

Never mind.

"Hahahah. Masyado kang defensive, hijo. Nahuhuli ka rin sa sarili mong kilos at bibig. Marami ng nagbago sayo. Naging matured ka na ngayon." Natatawang sabi pa ni Manang.

Napatigil naman ako dahil sa sinabi ni Manang.

Ako? Nahuhuli sa sarili kong---

Bigla ko ng naalala ang mga pinag uusapan namin tatlo kahapon sa coffee shop.

Fall Into Her season Two (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon