chapter 142 "SFU vs MLMSU"

137 13 0
                                    

Keith's Pov.

Pagkatapos naming panoorin ang laro ni Ashi ay agad na kaming bumalik sa room para kunin ang mga gamit namin.

As usual, panalo sila Ashi. Ang galing kasi tumira, eh at halos sa 10 tumama ang mga tira ni Ashi.

Marami nga ang nagsisigawan kanina. Marami na rin ang umiidolo sa kaniya. Pati ang mga taga ibang universities ay nakikisigaw rin kanina.

"Dre!" tawag pa ni Lyle sa akin.

Sininyasan niya akong lumabas na ng room.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanila. Pagdating namin sa gym ay halos wala nang mauupuan dahil puno na lahat.

Ang lakas pa nang sigawan nila. Dumeretso na lang kami sa bench namin.

Nandito na rin si coach. Kalmado lang ito pero halatang seryuso.

"Team, come here!" tawag pa nito sa amin.

Agad kaming lumapit sa kaniya at nag form ng circle.

"Tandaan niyo ang lahat nang sinabi ko sa inyo. Alam niyo namang hindi maganda kalaro ang makakalaban niyo ngayon. Kaya dapat mag ingat kayo. Captain, handle the captain of their team. Drix, bakuran mo iyong maangas sa kanila." sabi ni Coach sabay tingin sa gawi ni Luke sa kabilang team.

Tumango naman ito.

"Keith and Keart, handle the others. All of you will do the same. Pero ito tandaan niyo, huwag niyong sakyan ang mga trip nila. Iwasan niyo sila at huwag pa distract sa kanila." seryusong sabi pa ni Coach.

Iyon ang sinabi ni Ashi kanina. Tama nga siya.

Napatango-tango kaming lahat. Onse lang kaming lahat. Anim ang sub sa team namin.

Marami pang sinabi si coach at nakinig lang kami nang maayos sa kaniya.

"Bantayan niyo ang mga galaw at tricks nila para mabilis niyong makuha kung ano ang dapat niyong gawin. Mabibilis din silang kumilos kaya higitan niyo ang bilis nila pero huwag niyong abusuhin ang mga energy niyo. Alam kong alam niyo kung anong ibig kong sabihin. Alam kong kaya niyo silang talunin. Team, just do your best. Hindi sila tulad sa ibang nakalaro niyo kaya be careful." sabi pa ni coach at tinapik ang mga balikat namin.

Nag team cheer pa kami kasama si coach.

"We will do our best! Win or lose!" sabay na sigaw ng team namin.

Nagsigawan ang lahat at mas dumami pa ang mga tao.

"Go! SFU!!!"

"Go! MLMSU!!!"

"Go! F4!!!"

Sigawan pa nilang lahat. Lumapit kami sa bench namin. Nandito na pala sila Bella.

"Where's Panget?" biglang tanong pa ni Drix.

Napatingin ako kela Xandra. Wala nga si Ashi.

Fall Into Her season Two (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon