chapter 146 "Snake Gang"

138 13 1
                                    

Ashi Vhon's Pov.

Kinabukasan

Maaga kaming pumunta sa university  dahil maaga ang laro nila Xandra ngayon. Isa na lang ang laro nila ngayon.

Habang ako naman ay wala na. Bukas na ang last day ng event. Bukas pa ang rematch namin nila Trixie.

Isa na lang din ang laro nila Bisugo ngayon. Bukas din ang laro nila laban sa MLMSU dahil nag tie ang score kahapon.

Matapos ang pag uusap namin ni Bisugo kagabi ay agad na kaming umuwi.

Hinatid pa kaming tatlo ni Bisugo sa bahay nila. Hindi kami nagmotor kagabi dahil naka dress kaming tatlo.

Hinatid lang kami ng driver namin sa mansion kagabi.

Tsk!

Iritang irita ako sa suot ko kagabi. Pinilit ako ng dalawa na mag dress dahil dinner daw ang pupuntahan namin at hindi makipag rambulan.

Psh!

Kinulit pa ako ng dalawa kagabi pagkauwi sa bahay kung ano ang pinag-uusapan namin ni Bisugo.

Sinabi ko na lang sa kanila kung ano dahil hindi nila ako titigalan hangga't hindi ko sasabihin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Naghahanda na sila Xandra sa last game nila. Gano'n na rin ang volleyball players.

Buti na lang wala rin silang talo.

"Uy! Last na laro na natin ngayon!" sabi pa ni Theresa.

"Oo nga! Galingan natin!" sabi pa ng kasamahan nila.

Nandito ako sa porch sa harap ng mga rooms. Kaya rinig ko ang pinag uusapan sa kanilang room.

Nakita kong lumabas si Xandra handa na sila para sa last game nila.

"Manonood ka sa huling laro namin?" tanong pa nito nang makalapit sa tabi ko.

"Hindi, may binabantayan ako." sagot ko pa.

"Sila Luke?" umiling ako.

Napakunot naman ang noo niya.

"Sino?" tanong pa uli niya.

"Ang grupo nila Borge." maikling sagot ko.

"Ano!?" Malakas na tanong niya.

Napatingin pa sa amin sila Bella.

"Tsk! Hinaan mo ang boses mo." sita ko pa sa kaniya.

Napa peace sign siya bago uli nagsalita.

"Bakit sila?" takang tanong pa niya.

Napabuntong-hininga ako bago sumandal habang nakapamulsa.

"Iyon ang pinag uusapan namin ni Deb kahapon sa cafeteria. Hindi kami titigilan ng mga gagong 'yon." walang ganang sabi ko pa.

Napapailing naman siya bago nagbuntong-hininga.

"Ano pa ba ang kailangan nila? Nakaganti na sila, ah! Sila pa nga ang may kasalanan sa inyo tapos ngayon---tss!" may inis na sabi ni Xandra.

"Tsk! Gusto ata nila iyong bali-bali ang mga buto nila para tumigil na sila." blankong sabi ko pa.

Fall Into Her season Two (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon