Lumipas ang mga araw na tila ang laki ng nagbago. Napapadalas na ang pag takbo nila sa ospital para dalhin dun si Racquel.
Ang kanyang katawan ay hindi na bumubuti pa kaya naman di na nakakatulog si Kaori.
"Love, please don't forget to eat and sleep. Hindi pa ako makaka uwi dahil may ka-work akong nagpasalo ng schedule nya. Emergency daw." chat ni Jelay
"My mom is at the hospital now. I need you now at my side. Is this not an emergency?" reply ni Kaori sa kanya.
"Love, pasensya na talaga. Nandito pa ako sa Germany. I-chachat at tatawagan naman kita kapag available ako." paliwanag ni Jelay sa kanya.
Inis na pinatay ni Kaori ang cellphone nya at tahimik na naupo sa tabi ng ina nyang nakahiga habang may mga tubo at karayom na nakatusok sa kanya.
"Mommy.." mahinang tawag nya dito ng makita niyang magdilat ng mata.
"Kumain ka na ba?" tanong sa kanya nito.
"I'm fine. How 'bout you? Do you need anything?" maagap na tanong nya dito at inayos ang maliit na tubo na bahagyang nadadaganan ng ina.
"I just need to see you okay." malambing na sagot nito.
Hinaplos nya ang muka ni Kaori at nilagay sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok ni Kaori na bumabagsak.
"I love you so much baby.." she said to her daughter. Halata na ang panghihina nya sa kanyang boses.
"I-I love you too M-Mom.." halatang naiilang na sagot ni Kaori. Hindi siya sanay na magsabi ng matatamis na salita sa kanyang ina. "You should rest and get well soon."
Ngumiti lang ang ina niya at muling pumikit.
"Nasaan si Pax?" nakapikit na tanong nito.
"Work." tipid na sagot ni Kaori. Masama pa rin ang loob nya na hindi nakauwi ang asawa.
"Ah. She's really working hard for the both of you." hindi naman nakasagot si Kaori sa tinuran nito.
"Nag-away ba kayo?" napadilat ang mata nya at natanong ito.
"Not really. It's just that.. I want her to come home but she choose to cover her co-cabin crew." paliwanag ni Kaori.
"At nagalit ka na sa kanya?" nanghahamak na tanong ng ina. Hindi naman nakasagot si Kaori.
"Nagtratrabaho siya para sa inyo." dugtong pa nito.
"But Mom, she promise to be with me when i need her." giit niya.
"Brienne, hindi kailangan na nasa tabi mo ang tao para masabing dinadamayan ka niya." pagalit sa kanya ng ina. Napanguso lang si Kaori na hindi tinatanggap ang sinasabi nito.
"Ayukong nag-aaway kayo dahil lang sakin. Isa pa, hindi makakabuti kay Pax kung habang nasa malayo sya at nagtratrabaho ay iisipin niya na nagagalit ka. Baka ma-distract sya at kung may anong mangyari." nanatiling tahimik si Kaori.
"Brienne, ma-swerte ka sa asawa mo kasi mahal na mahal ka nya. Alam kong kung may pagpipilian lang siya ay pipiliin ka nya." patuloy na pangaral nito.
"She has a choice Mom and she choose to work than to be with me. Kung wala ka sa ospital pinapayagan ko naman siya mag-work hanggang gusto at kaya nya." depensa ni Kaori.
"Ssh. Kulang ka lang sa tulog. Magpahinga ka rin kasi. Uuwi din si Pax." tumango na lang siya para matapos na ang diskusyon.
Lumipas ang dalawang araw na hindi kinakausap ni Kaori si Jelay.
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...