"Hey!" biglang nataranta si Kaori ng marinig ang paghikbi ni Jelay.
Agad siyang humarap dito at sinubukang tanggalin ang kamay nito sa pagkakasapo sa kanyang muka.
"Pax, stop crying." nag-aalala ng turan nito. Nagpatuloy lang sa pag-hikbi si Jelay. Lalo lang lumakas ang iyak niya ng maramdamang yakapin siya ng asawa.
"Why are you crying?" malamyos ang boses na tanong nito.
"H-hindi mo ko pinapansin e. Miss na miss na kita." umiiyak pa rin na sagot nito.
"Shh. Okay, i'm sorry, Pax. Please stop crying now." tinugon siya ng mahigpit na yakap Jelay.
She guided her in their room without breaking their hugs. Maingat nyang inihiga sa kama ang asawa.
"You should rest." saad niya dito at dinampian ng halik ang labi nito.
"Dito ka lang." request ni Jelay sa kanya habang nakakapit pa rin sa tshirt na suot nya.
"Okay. I'll sleep with you." pag-sang ayon ni Kaori at nahiga sa tabi niya. Magkayakap silang dalawa na nakatulog.
Parehas na gumaan ang kanilang pakiramdam. Nakatulog silang dalawa na mahimbing.
Naunang magising si Jelay para magluto ng kakainin nila. Habang nagluluto ay nagpapatugtog siya sa cellphone niya ngunit nahinto yun ng may tumawag.
Napakunot ang noo nya ng unregistered number ang makita.
Kunot noo nyang dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag."Hello?" nagtatakang sagot nito.
"Hey!" bati ng sa kabilang linya. Agad na nabosesan ito ni Jelay.
"Saan mo nakuha number ko?" iritang tanong niya
"Well, i have ways." maangas na sagot nito.
Napabuntong hininga si Jelay. Nagpipigil ng inis dito.
"May kailangan po ba kayo?" kalmadong tanong nya.
"Yeah." hindi man nakikita ni Jelay ang muka nito natitiyak nya na nangingiti ang kausap.
"Ano po iyon, sir?"
"You." preskong pahayag nito.
"Sir, pasensya na po kayo. Kung wala naman pong kinalaman sa trabaho, wag nyo po sana ako tawagan. May asawa ako at kung maabutan nyang may kausap akong lalaki sa telepono na wala naman kinalaman sa trabaho ay tiyak na magagalit iyon." mahabang paliwanag ni Jelay dito.
"Why? Masama bang makipag-kaibigan sa katrabaho mo?" pa-inosenteng tanong nito.
Bago pa makasagot si Jelay ay naramdaman nyang pababa ng hagdan si Kaori at nakatingin sa kanya.
"Busy po ako. Iba na lang po kulitin nyo." ani nya at agad pinatay ang tawag.
Lumapit naman sa kanya si Kaori at humalik sa pisngi nya.
"Who's that?" nagtatakang tanong nito.
"Ahm. Ka-work ko." simpleng sagot ni Jelay.
"May problema daw ba? You look bothered." puna nito at yumakap mula sa likod nya.
"Wala." tanggi ni Jelay sa kanya. Pinatay nya ang niluluto at humarap sa asawa. Magkaharap na sila habang nakayakap sa bewang ng isa't isa.
"I miss you." nakangiting pahayag nya dito.
"I'm sorry for being stubborn." sagot ni Kaori sa kanya.
Umiling naman si Jelay at akmang hahalikan sa labi ang asawa ng muling tumunog ang cellphone nya dahilan para mapahinto sya at tingnan ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/264600950-288-k385585.jpg)
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
Fiksi PenggemarDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...