JILLIAN PAX PILONES
Simula ng ikasal ako kay Brienne, wala akong pinagsisihan. Mahal na mahal ko siya at ramdam kong ganon din siya sa akin.
Magkatuwang kami sa buhay, masaya kaming nagsasama kahit na payak lang ang pamumuhay namin. Binibigay ko ang lahat ko sa kanya para mapunan ang mga bagay na nawala sa kanya ng piliin niya ako.
Ayos naman talaga kami ngunit talagang darating din ang panahon na susubukan ng tadhana ang tatag namin.
Nagsimula ang pag-subok sa amin ng madalas na-oospital si Tita Racquel.
Sinubukan kong intindihin si Kaori sa pinagdadaanan niya pero hindi madali."Pagod na pagod na pagod na ako.." hindi ko na siya maintindihan. Nagbago siya.
"Ayaw mo na nga?" tanong nya. Wala akong mabasang emosyon sa mata niya.
"M-Magpahinga muna tayo." naiyak na saad ko. Gusto kong marinig na pigilan niya ako na sabihin nyang mahal niya ako pero hanggang makalayo ako wala akong narinig mula sa kanya.
Pagsakay ko sa taxi ay napasapo na lang ako sa muka ko. Napahagulgol ako ng iyak, wala na akong paki kung anong sasabihin ng driver.
Pagod na pagod na ako.
Ngunit pagbukas ko ng pinto ng bahay namin ay nakatanggap ako ng tawag kay Brienne. Bumilis ang tibok ng puso ko. At aaminin ko natuwa ako.
Natuwa ako sa isiping susuyuin niya ako. Na hindi niya ako kayang tikisin. Ang kailangan ko lang naman sa kanya ay kausapin niya ako ng maayos at ipaalala niya sa akin na mahal niya ako kasi nakakalimutan ko na ang pakiramdam na mahal niya ako.
"Hello?" ibang boses ng babae ang narinig ko.
"Sino ito?"
"Ma'am, nurse po ito. Nandito po ngayon sa ospital ang may-ari ng cellphone na ito. She's unconscious at the moment..." nabingi na ako sa iba niyang mga sinabi. Nagmadali akong pumunta sa ospital at hinanap si Brienne.
Natagpuan ko siya sa loob ng emergency room.
"A-Anong nangyari?" tanong ko sa nurse na kakalabas lang.
"Heart failure.." nagmamadaling sagot nito. Gusto ko pa syang kausapin ngunit umalis agad siya.
I've wait outside the room. Kabadong kabado ako. At kung ano ano na naiisip ko.
Paano kung hindi kayanin ni Brienne? Kasalanan ko ito! D-dapat mas inunawa ko pa siya. Dapat nagtiwala ako sa kanya. Dapat hindi ko siya iniwan dun.
Hindi ko kailanman mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
---
Pagkatapos ng mahabang paghihintay ay lumabas na ang doctor.
"Doc!" agad na lapit ko sa kanya. Tinitigan niya pa ako.
"Asawa po ako ng pasyente na nasa loob." muka pa siyang nagulat sa sinabi ko pero tumango din naman siya.
"She's stable now but i'll be honest with you. She's not fine. Hindi na maganda lagay ng puso niya. Matagal niya ng iniinda ito. Hindi niya ba nasasabi sayo ang mga pagsumpong ng pagsikip ng puso niya?" hindi ako nakasagot dahil hindi naman talaga nadaing sakin si Brienne tungkol sa lagay ng puso niya.
At hindi ko rin siya natatanong.
"She needs a heart transplant." nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Ganon kalala?
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...