Epilogue

1.5K 76 19
                                    

Unti unti ay lumalakas na si Tito Jun pero minabuti ni Brienne na wag na itong pagtrabahohin. Siya na ang pumalit sa pwesto nito.

Hindi na rin bumalik sa Mansion si Tito Jun dahil masyado daw malaki sa kanya at malungkot. Ayaw niya rin tumira sa bahay dahil baka makaabala daw siya samin ni Brienne at hindi daw sya makatulog kung minsan dahil sa ingay namin.

Kaya naman minabuti nyang tumira sa green house. Sa flower farm kung saan dati ring tumira si Mommy Racquel.

Siya ngayon ang nag-aalaga ng mga halaman kasama ang mga tauhan niya. Kapag may pagkakataon ay dinadalaw namin siya ni Brienne.

Okay naman na kaming dalawa pero hindi pa rin kami close. Siguro dahil tahimik din talaga si Tito Jun. Pero wala na akong nararandaman na ilang sa kanya kahit pa napaka-clingy ng anak nya sakin kahit kaharap ito.
Ngingiti na lang siya sa mga kapilyahan ni Kaori.

Alam ko namimiss pa rin nya ang pagtratrabaho dahil ilang dekada rin na wala syang ibang ginawa kundi ang magtrabaho.

Sinasabihan namin siya ni Brienne na mag-cruise pero ayaw niya dahil baka daw imbes magbakasyon ay mag-inspect siya sa yatch. In short, baka mauwi sa pagtratrabaho ang bakasyon niya.

"Dad, how you doin here?" nandito kami ngayon sa farm para dalawin si Tito Jun.

"Okay lang. Ang lalaki at gaganda na ng mga bulaklak na tinanim ko." masayang turan nito.

May hawak pa syang small shovel at may mga putek pa ang kanyang kamay tapos may nakasabit na spray fertilizer sa bewang niya. Mukang likas kay Tito Jun ang pagiging hard working.

"Tito, dinalhan ka namin ng pesto." inangat ko ang hawak na lunch box para ipakita sa kanya.

"Salamat, Pax. Tara sa loob." aya niya samin at nauna syang naglakad habang nasunod kami ni Brienne.

Bago buksan ni Tito ang pinto ay napalingon siya samin ni Brienne.

"Brienne, grabe ka naman makakapit sa bewang ni Pax. Hindi naman siguro madadapa yan haha" tudyo niya kay Brienne.

"Pssh. Kapag inggit, pikit!" barumbadong sagot ni Brienne sa kanya.

Hindi pa rin sila nagbabago sa isa't isa. Lagi pa rin nilang pinipikon ang isa't isa. Yun ata talaga ang bonding nila mag-ama.

                                                                     

Pagkatapos dumalaw kay Tito Jun ay kila Mommy naman kami pumunta.

"Brienne! Pax!" masayang salubong ni Mommy samin pagkabukas niya ng gate.

"Hi Mhie! Pinabibigay po ni Tito Jun sa inyo." inabot ko kay Mommy ang isang halamang nasa paso pa.

"Naku! Akala ko nakalimutan na ni Jun!" masayang tinanggap ni Mommy ang inabot kong paso.

Magkasundo na rin sila ni Tito. Sa katunayan ay lagi syang nanghihingi ng mga halaman dito na masaya namang tinutupad ni Tito Jun.

"Si Jun ba'y kailan ulit pupunta dito? Kating kati na ang kamay ko na talonin sya sa chess!" singit ni Daddy.

Naging mabuting magkaibigan ulit sila. Madalas na ulit sila magkasama para mag-exercise, magbasketball at mag-chess.

"Alam mo malapit na ako magselos. Kakakita nyo lang nung isang linggo tapos si Jun na naman hinahanap mo!" biro ni Mommy dito.

"Ang mahal kong asawa, napakaselosa." lambing ni Daddy dito at yumakap pa kay Mommy.

Natawa at napailing na lang kami ni Brienne.

"Pwede na ba kami pumasok, Mhie?" awat ko sa kanila dahil parang nakalimutan na nila kami ni Brienne.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon