Chapter 5

853 48 32
                                    

Nang lumapag ang eroplano na sinasakyan nila Jelay ay agad nyang tinext ang asawa.

"Love, nag-land na kami. Kumain ka na ba?" pagka-send niya nun ay naramdaman niyang may tao sa likod nya kaya nilingon nya ito.

Gulat ang naramdaman niya ng mapansing sobrang lapit pala nito sa kanya dahil nakikibasa ito sa cellphone niya. Agad siyang dumistansya dito na kumunot naman ang noo.

"Asawa mo yun? Bakit walang reply sayo?" curious na tanong nito.

"Busy siya, sir." balewalang sagot ni Jelay at hinila na ang gamit nya para dalhin sa hotel na pag-stay-an nila.

"I'll help you." saad ng lalaki at nakipag-agawan ng maleta kay Jelay.

"Ako na sir. Kayang kaya ko na ito." tutol niya na naglakad ng mabilis para di maabutan ni Jerome.

"Sir! Ano na naman ba yan at ginugulo mo yung may asawa na? Hahaha" tudyo ng co-pilot nya sa kanya na umakbay pa. Inis namang tinanggal ni Jerome ang pagkaka-akbay sa kanya ng kaibigan.

Nang sabihin ni Jelay na kasal na siya ay inaasar na si Jerome ng mga kasamahan. Pakiramdam niya nga ay napahiya niya ito pero para kay Jelay ay mabuti na rin yung malinaw.

"Shut up, Mart. Tinutulongan ko lang si Pax." depensa nito.

"Ah. Tinulongan?" hinimas himas pa nito ang baba na animo'y nag-iisip.

"Bahala ka nga dyan! Pax, tulongan na kita." baling ni Jerome dito.

"Okay na Sir. Papasok na tayo oh. Elevator na lang." turo ni Jelay sa hotel.

"Ikaw kasi epal ka!" pagalit ni Jerome kay Mart.

Binabalewala lang ni Jelay ang dalawa na nangungulit sa tabi niya. Panay tingin niya sa cellphone nya at hinihintay ang reply ng asawa.

*Ting

Pagbukas ng elevator ay mabilis na kinuha ni Jerome ang maleta niya at nauna ng maglakad.

"Sir!" tawag suway sa kanya ni Jelay habang nasunod dito.

"Anong room mo?" balewalang tanong nito. Napansin din nyang hindi na rin pala sumunod si Mart sa kanila kaya dalawa lang sila.

"1402." tipid na lang na sagot nya dahil mukang di naman ito papaawat.

Napangiti naman si Jerome sa kanya. Ngiting tagumpay.

"Okaay!" masayang tugon nito at hinila ang maleta hanggang sa tapat ng room.

Sinubukan ni Jerome pihitin ang doorknob at nagulat pa siya ng bumukas iyon. Bumungad sa kanya si Andrea na nakaupo sa paanan ng kama nito.

"S-Sir.." gulat na bulalas nito.

"May ka-roommate ako." paliwanag ni Jelay. "Anyway, thank you po." magalang na pahayag niya at kinuha na dito ang gamit niya para tuloyang ipasok sa loob.

Isasara niya na sana ang pinto ng pigilan siya ni Jerome.

"Lunch?" alok nito

"Tayong dalawa lang?" nakangiwing tanong ni Jelay. Alam ni Jerome na hindi nya ito mapapapayag kung dalawa lang sila.

"No. Lahat na tayo. Ayain niyo din ang iba. Actually, first international flight ko kasi ito na ako ang Main Pilot kaya gusto ko din mag-celebrate." paliwanag niya pa dito para kapani-paniwala.

"Talaga sir? Oh my gosh! Ayos yan! Sige sir, G kami ni Pax!" agad na sagot ni Andrea.

Tumingin si Jerome kay Jelay. Hinihintay nya ang confirmation nito.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon