Tw: Words. Physical Harassment
----
"Sir?" hindi ko masalubong ang tingin niya dahil nagliliyab ang mata niya sa galit.
Marahas niyang hinawakan ang palapulsohan ko at hinila papasok sa kwarto ko.
"Aww.." napa-igik ako ng maramdaman kong tumama ang likod ko sa pader dahil sa malakas na pagtulak niya.
"Masarap ba talaga ang anak ko?!" galit na galit na bulyaw niya sakin.
Hindi ako makasagot sa kanya. Nanginginig ang katawan ko sa galit.
"Ayuko sa lahat ng ginagago ako." hinigit niya ang damit ko palapit sa kanya at mariing hinawakan ang panga ko.
"Tingnan mo 'ko" kitang kita ko sa mata niya na kayang kaya niyang pumatay sa galit.
"Negosyante ako.. Hindi ang tulad mo na napakababang uri ng tao ang makakaloko sakin." sinubukan kong tanggalin ng kamay niyang nakahawak sa panga ko.
"Sir, n-nasasaktan na 'ko" hindi siya nakinig sakin. Lalo niyang diniinan ang hawak niya. Ramdam ko na ang kuko niyang bumabaon sa muka ko
"Tang ina ka! Hindi mo pa ako kilala." nanlilisik ang matang saad niya.
"Kayang kaya kong sirain ang buhay mo at ng mga malalapit sayo.." pagbabanta niya pa habang dinuduro ako ng isa niyang kamay na malaya.
"Bawat isang lapit mo pa kay Brienne may kapalit. Wag mo 'kong susubukan." pagkatapos niyang sabihin yun ay malakas niya akong tinulak kaya muling tumama ang katawan ko sa pader na kinadaing.
"Hindi ikaw ang sisira sa mga plano 'ko.. pwe!" mabilis akong umilag sa pagdura niya pero dumapo pa rin ang dura niya sa buhok ko.
Sa muling paglingon ko sa kanya ay nakalabas na siya ng kwarto na parang walang nangyari.
Naiwan akong lumuluha. Ang bababa ng tingin ko sa sarili ko. Ang dumi dumi ko sa paningin niya.
Napaupo ako sa sahig, niyakap ko ang tuhod ko at dun siniksik ang ulo ko. Kahit anong paghihinagpis ang gawin ko ay 'di na mababago ang kapalaran namin ni Brienne.
"Pax.." napahinto ako sa pag-iyak ng marinig ko ang mababang boses ni Jerome.
Napaangat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang mata niyang punong puno ng awa para sakin. Lalo akong nanliliit sa paraan ng pagtitig niya.
"N-Narinig ko ang lahat.." lumapit siya sakin at lumuhod sa harap ko.
Marahan niyang pinunasan ang buhok ko ng panyo. Hindi ko siya iniimik. Hindi rin ko tumitigil sa pag-iyak.
Wala na akong lakas pa magpanggap.
Bakit ba sa konting kaligayahan may kapalit agad na sobrang paghihirap?
Tinulongan ako ni Jerome na ayusin ng sarilli ko ng gabing yun. Pinaligo niya ako at inaya na lumabas ng kwarto para magpahangin.
Nakarating kami sa top deck ng yate. Tahimik lang kaming nakatayo habang dinadama ang lamig ng hangin na humahalik samin.
"Deserve ko ba ito? Deserve ko ba ang sakit na ito?" tanong ko sa kanya at muli na naman pumatak ang luha ko na parang di na tumitigil.
"Magiging okay din ang lahat, Pax. Makakawala ka rin." pagpapagaan ng loob ni Jerome sakin pero wala na yung epekto sa bigat ng dinadala ko.
"Hindi ko na alam, Jerome. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng matapos ito." parang gusto ko na lang magpakalayo layo at iwan ang lahat..
Pero kapag naiisip ko si Brienne, hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...