Chapter 36

633 38 108
                                    

Nagising ako sa mahihinang haplos ni Mommy sa akin.

"Tara sa baba, naghanda ako ng almusal." aya niya sakin.

Naghilamos lang ako saglit at bumaba na.
Pagbaba ko ay nakahanda na ang mga pagkain.

Pritong bangus na biniyak sa gitna, may sawsawan din itong toyo, calamansi na may sili. Ang kanin ay sinangaw na may beans at carrots. May kasama ring itlog na maalat ay orange juice.

Kung nasa normal na kalagayan lang ako siguro napuri ko na ang almusal namin pero wala akong gana.

Wala akong gana magsalita, wala din akong ganang kumain pero kailangan para hindi mag-alala sila Mommy.

"Alam mo masaya kaming nandito ka na ulit. Nakakalungkot din kasi na kaming dalawa lang ni Daddy mo ang nandito." nakangiting turan ni Mommy na tinugonan ko ng tipid na ngiti.

Matapos namin kumain ay aakyat na sana ako sa kwarto kaso pinigilan ako ni Mommy. Manuod daw kami ng movie, parang dati.

Pinagbigyan ko sila pero nanunuod lang ako pero parang wala ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan ang pinapanuod ko.

"Jelay?" mahinang tawag ni Mommy sa akin kaya nilingon ko siya.

Sa paglingon ko sa kanya ay nasalubong ko ang mata niya na puno ng pag-aalala.

"Anak, hindi ako magpapakwento pero gusto kong malaman, ano ang nangyari sa inyo ni Brienne?" mahinahong tanong nito.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, di ko kayang makitang nasasaktan siya ng dahil sa akin.

"Okay lang ako Mhie. Kung ano man ang nangyari, walang kasalanan si K-Kaori." nautal pa ako sa pagbanggit ng pangalan niya.

Pangalan niya palang nagdudulot na ng kirot sakin. Ang dating kilig napalitan ng kurot.

Inakbayan ako ni Mommy at hinila palapit sa kanya.
"Mahal ka namin, anak." aniya bago kintilan ng halik ang ulo ko.

Nakayakap lang sakin si Mommy hanggang matapos ang pinapanuod naming movie.

Kumain, nanuod, natulog. Ganon lang ginawa namin. Di ako iniiwan ni Mommy.

Kinabukasan ginising niya ako at pinag-ayos dahil may pupuntahan daw kami. Tahimik lang ako sa biyahe hanggang mahinto kami sa isang ospital.

"Anong meron? Sino dadalawin natin?" takang tanong ko.

"Basta. Halika." nakangiting aya sakin ni Mommy kaya sumunod lang ako.

Pumasok kami sa isang pinto. Hindi ko napansin kung ano yung pinasukan namin.
Sumalubong samin ang isang babaeng nakaputi at nakangiti.

Ang puti din ng buong paligid. Malinis dito, wala gaanong makikita kundi mangilan ngilan na painting.

"Maupo kayo." aniya samin.

Hinila ako ni Mommy paupo malapit sa babae at naupo naman siya sa tabi ko.

"Hello Jillian. Jillian diba?" maingat na tanong niya.

"Opo." tipid na sagot ko.

"Ako si Doctora Valdez." ngayon ko napagtatanto kung nasaan kami. Psychiatrist.

Nilingon ko si Mommy at tinatanong ko siya gamit ang mata ko kung bakit kami nandito.

"Ayos lang, anak. Kakausapin ka lang niya at tutulongan ka niya." malambing na aniyang hinaplos ang buhok ko.

Muli akong tumingin sa doctor at tinitigan lang siya.

"Gusto mo bang mag-usap tayo na tayong dalawa lang?" maingat pa rin na tanong niya.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon