JILLIAN PAX PILONES-OINUMA
"Sweety, nasa labas si Brienne. Hindi mo pa rin ba lalabasin?" pambungad na tanong ni Mommy sakin pagkagising ko.
Magdadalawang buwan na rin na pabalik balik si Brienne dito.
Nung una ay hanggang gate lang siya ng bahay dahil ayaw siya papasukin nila Daddy at Mommy.
Pero siguro dahil araw araw sya napunta kahit wala ako ay naawa sila Mommy.Hindi lang ako ang nililigawan nya ngayon pati magulang ko.
Nakuha niya na ulit tiwala nila Mommy. Kahit sila Karina naligawan niya na rin. Ganun sya kapursigido.Nakikitaan ko siya ngayon ng pagsisikap.
Patuloy pa rin sya sa pagpunta dito araw araw kahit wala naman siya napapala sakin.Nag-ooffer siya na ihatid sundo ako pero may kotse na ako ngayon kaya ako na ang nagdadrive para sa sarili ko.
Ginagawa niya lahat para makausap ako at makalapit sa akin pero ayuko na muna.
Ito pala yung sinasabi nilang takot ka na sa commitment.
Nasa healing process ka pa.
Nakaka-trauma kasi ang mga nangyari sa amin. Ayuko ng maulit yun. Di lang naman kasi ako ang nahihirapan kundi pati ang mga nagmamahal sakin.
Sila Mommy, Daddy at mga kaibigan ko, Ayaw ko ng mag-alala pa sila sa akin.
Kung tutuusin, okay na ako. Okay na ako kahit hindi na ako mag-asawa pa ulit. Aalagaan ko na lang sila Mommy hanggang nabubuhay pa kami.
"Pax, papasukin ko ng kwarto mo ha?"
"Mommy!" suway ko sa kanya.
"Sige na, siya nagluto nun. Hayaan mo na siya." pangungumbinsi sakin ni Mommy.
"Mhie!!" bago pa ako makatutol ay binuksan nya na ang pinto ng kwarto ko at pinapasok si Brienne na may dala dalang bed table at mga almusal.
"Thank you, Mhie." nakangiting sagot ni Brienne dito at dahan dahan ng pumasok.
Ngumiti lang sakin si Mommy at tuloyan ng lumabas ng kwarto.
"Good morning, Love." bati niya sakin at nilapag ang bed table sa gilid ng kama.
"Brienne.." nanunuway na pagtawag ko ng pangalan niya.
"I prepare this for you. Fried rice, an omelette, mango and milk." nakangiting pahayag nya na binabalewala ang panunuway ko.
Tinitigan ko ang hinanda niya. Maayos ang pagkaka-plating nito. Ang mangga ay naka-slice pa.
"Sinabi ko naman sa'yo hindi mo kailangan gawin ito." lalo lang akong naiinis sa kanya.
Ayaw na ayaw ko pa naman masugatan o gumaspang ang malambot nyang kamay.
Pero ganon naman siguro talaga, kung minsan kailangan natin masugatan para matuto.
"But i want to." nag-pout pa siya. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Do you want me to spoon feed you?" excited na tanong nya habang umuusog palapit sakin. Bahagya ko naman siyang tinulak palayo.
"Marunong ako kumain tsaka tigilan mo pag-baby sakin, hindi bagay sayo." puna ko sa kanya.
Sa totoo niyan bagay naman sa kanya. Ang cute niya kaso di lang ako sanay na ganyan sya kaya naiilang ako.
"You are my baby. Hehe" nag-roll eyes lang ako sa sinabi nya at inumpisahan ng kumain.
Nakapangalumbaba lang siya habang nakatitig sakin. Naiilang ako sa ginagawa nya pero kapansin pansin din ang mangingilid ng luha sa mata niya.
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...