Chapter 11

687 42 62
                                    

Napagdesisyon ni Jelay na bigyan muna ng space si Kaori para makapag-isip isip. Nagfocus na lang sya sa kanyang trabaho at hindi na inabala si Kaori.

Pero kahit ganon ay pagkalapag ng eroplano na sinasakyan nya ay tinignan nya agad ang cellphone nya. Nagbabakasakali sya na nag-chat na ito at hindi siya natiis.

"Bakit pa ako umasa? Talaga namang madali lang sa kanya tiisin ako." may hinanakit na saad nito ng makita ang cellphone nya na walang bakas ng paramdam ng kanyang asawa.

"Tara Jelay! Kain tayo!" masiglang aya sa kanya ni Andrea.

"Sige. Saan ba masarap kumain dito?" ngiting tanong nya sa kaibigan. Ngayon na lang ulit kasi sila nagkasama sa flight.

At nagpapasalamat din sya na hindi nya kasama ngayon si Jerome. Marahil ay pahinga nito dahil kagagaling lang din nila ng flight nung isang araw.

"May alam ako malapit lang!" ani nito at hinila na si Jelay.

Kahit papaano ay nalibang naman si Jelay na kasama si Andrea ngunit ng makabalik sila sa hotel room nila ay muli siyang nalungkot ng wala pa ring chat mula kay Kaori.

"May tampohan na naman kayo?" maingat na tanong nito.

"Ewan ko sa kanya. Kasi ako alam ko wala akong ginagawang masama." sagot ni Jelay bago nilapag ang cellphone nya sa ibabaw ng bedside table.

Naupo naman si Andrea sa tabi nya at niyakap siya mula sa gilid.

"Magkaka-ayos din kayo ni Brienne. Mahal na mahal niyo kaya ang isa't isa." kampanteng pahayag ni Andrea.

"Hindi ko na alam, Andeng. Di ko na alam kung mahal niya pa ako." malungkot na sagot nya habang nilalaro ang daliri niya.

Bahagya naman lumayo si Andrea sa kanya para matitigan sya.

"Huy! Don't say that! Alam mo kung gaano ka kamahal ni Brienne!" suway nya sa kaibigan.

"Ewan ko talaga. Di niya nga sinasagot mga 'iloveyou' ko. Tapos ayan, kayang kaya nya akong tiisin. Parang dati lang." puno ng sama ng loob at pagdududang ani niya.

"Ediba nga kwento mo, Nagawa ka nyang tiisin pero nagkasakit naman sya sa puso haha" natatawang pahayag nito.

"Dati yun kasi di pa kami mag-asawa. Syempre sa tagal naming nagsasama baka sawa na yun sakin." giit nya pa rin.

"Tsk tsk." umiling na paglatak nito at muling yumakap kay Jelay.

"Di yun ganon, Pax. Baka may pinagdadaanan lang. Malay mo kapag di ka talaga nagparamdam sa kanya mamiss ka na nya at ang bulaklak mo. Hahaha" mahalay na biro ni Andrea sa kanya.

"Psh! Haha baliw!" natatawa at naiiling na sagot nya.

"Pero sana nga. Tagal na ng last na ano namin! Haha" pagsakay nya sa sinabi ng kaibigan at humaba ang kanilang asaran.

--

Lumipas ang dalawang araw na duty ni Jelay ng walang paramdam si Kaori. Sobrang sama ng loob na nararamdaman niya.

Before the take off back to Philippines, she chatted Kaori.

"Hindi mo talaga ako kahit kukumustahin man lang? Pabalik na ako dyan. Sunduin mo naman sana ako." may halong pagtatampo na chat nya.

Kailangan nya ng patayin ang signal ng phone nya pero nagbabakasakali pa rin siya magrereply ang asawa.

"Pax, off na daw signal." paalala sa kanya ni Andrea.

Isang silip pa ginawa nya sa phone nya bago tuloyang patayin ang signal.

Ngunit ng papatayin nya na ito ay nag-pop up ang reply ng asawa.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon