JILLIAN PAX PILONES
Hanggang makauwi ako ay wala akong natanggap na tawag o text kay Brienne.
Akala ko hahabolin niya ako nun pero ng marinig ko ang tawag ni Gillian sa kanya ay wala na akong narinig pa.
Mabuti na lamang ay hindi na ako tulad ng dati, na nakadepende sa kanya ang lahat ng galaw ko.
Oo, masakit. Sobrang sakit pa rin, hindi ko matatanggi 'yon pero tuloy pa rin ang buhay.
Inayos ko na lang ang mga gagamitin ko dahil may flight din ako bukas. 6 days din akong di makakauwi. 6 days na hindi kami magkikita ni Brienne.
Hindi ko alam kung pagbalik ko ay may babalikan pa ako o tuloyan niya ng pipiliin si Gillian.Ayuko ng isipin pa kaya natulog na lang ako.
Pag-gising ko ay wala pa rin akong natatanggap na kahit anong pagpaparamdam kay Brienne. Nag-ayos na ako at pumunta sa airport.
Mas tahimik ako ngayon kasi hindi ko kasama sa flight si Andrea o Jerome. Wala akong kasama na ka-close 'ko. May 4 days lay over pa naman, ang boring.
15 hours inabot ng biyahe namin. Medyo marami rin akong ginagawa dahil nga purser na ako. Mas bumigat responsibilidad ko kaya mas nakaka-stress.
Pang-land namin sa Kentucky ay dumiretso na kami sa kanya kanya naming hotel rooms. Patulog na ako ng masulyapan ko ang cellphone ko.
May chat na rin si Brienne pero mas nakapukaw ng pansin ko ang chat ni Gillian sakin.
"Pax, pwede ka ba makausap?" chat niya sakin 8 hours ago.
Kinakabahan ako at di ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ko siya nireplyan.
Sunod 'kong binuksan na chat ay kay Brienne.
"Let's talk when you get back here. Have a safe flight." yun lang ang sinabi niya na lalong nakadagdag ng kaba ko.
Kung ano ano na naman pumapasok sa isip ko. Bakit gusto nila akong makausap na dalawa?
Nagka-ayos ba sila at gusto na nila akong lumayo?
Napabuntong hininga ako at pabagsak na inihiga ang sarili ko sa malambot na kama.
Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon kaya wala talaga akong maka-usap.
Sinubukan kong pumikit at matulog pero di ako makatulog.No self. Don't be like this again. Paki-usap ko sa sarili ko.
Makalipas ang ilang pag-palit palit ng pwesto ko ay nakatulog na rin ako.
Nagising ako at dumiretso sa bathroom. Inayos 'ko ang pangligo ko.Nilagyan ko ng tubig ang bath tub tsaka ko nilagyan ng scented bubble bath. Kumuha din ako ng scented candle at sinindihan ito.
Naka-roba na ako ng masulyapan ko ang wine na nasa lamesa. Kinuha ko iyon at kumuha ng ice cube sa mini ref na nasa kwarto ko lang rin.
Naglagay ako ng yelo sa kopita at nagsalin ng wine.Napangiti ako ng makita ang set-up ng pagliliguan 'ko.
Hinubad ko na ang roba kaya wala na akong kahit na anong saplot. Unti unti akong lumubog sa bola ng bathtub hanggang ulo ko na lang ang nakalitaw.
Napalingon ako sa kaliwang bahagi ko kung saan makikita ang glass window na may overlooking view ng city.
Ang tataas ng mga building na sobrang gaganda. Pero kapantay ko lang sila ngayon.
Napangiti ako at napasimsim sa wine. Kahit na hindi ako sanay uminom ay wine lang naman ito kaya di naman ako malalasing.
Amoy na amoy 'ko ang bango ng scented candle.
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
أدب الهواةDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...