JILLIAN PAX PILONES
Kinakabahan ako ng ipatawag ako ni Angela sa office niya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Ma'am, pinapatawag niyo daw po ako?" nag-angat naman siya ng tingin sakin.
"Nandyan ka na pala, let's go." aya niya na tumayo at nagsimula ng maglakad.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko pero sumusunod pa rin naman ako sa kanya.
"Dinner outside." tipid na sagot niya.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa kotse nya. Tahimik lang siyang nag-drive. Di rin naman malayo ang pinuntahan namin restaurant.
"Anong meron?" muling tanong ko matapos niyang mag-order sa waiter.
"Lapit na birthday mo. What's your plan?" birthday?
Di ko napansin. Lumipas na lang ang pasko at bagong taon, di ko napansin. Nakaduty din kasi ako ng mga panahon na yun.
"Mahalaga pa ba yun? Matanda na ako para dun."
"Ano ba?! Syempre mahalaga yun. It's your birthday! C'mon. I'll give you a one week off with pay." nakangiting turan niya.
"Bakit mo naman gagawin? Hindi naman tayo close." prangkang turan ko.
Sumeryoso ang muka niya at tinitigan ako sa mata.
"How are you?" seryoso niya ng tanong.
"Ayos lang naman. Maganda pa rin haha" natatawang biro ko sa kanya pero di siya natawa.
"Alam ko, it may sound nosy pero bakit ka nakipag hiwalay kay Brienne?" i knew it. Magtatanong siya ng tungkol sa amin.
"Ayuko na." tipid na sagot ko.
"Ganun ganon na lang yun, Pax?" nagkibit balikat lang ako sa tanong niya.
"Have you seen this?" binigay niya sakin ang cellphone nya at nakita ko dun ang picture ni Brienne kasama si Gillian.
Hindi naman ako bulag at hindi ko tuloyang tinanggal si Brienne sa buhay ko kaya nakikita ko pa rin ang mga post na tinag-tag siya. Mga nililike nya rin sa social media ay mga post ni Gillian.
Lagi silang magkasama nung Gillian. Hindi ko alam kung sila na ba. Namamanhid na rin kasi ako. Nasasanay na akong masaktan.
"Oo, nakikita ko yan." sagot ko sa tanong niya.
Tinabi niya ang cellphone niya at tinitigan ako na parang binabasa ang nasa isip ko.
"What are you feeling?"
"Hmm.. Wala. Ano ba dapat kong maramdaman? Haha" tumatawang sagot ko para pagtakpan ang tunay kong nararamdaman.
"Wala na ba talaga?" nanunubok na tanong niya.
"Si Brienne ba nagpapunta sayo sakin? Para itanong yang mga yan?" balik tanong ko
"No. Nagulat lang ako na nakipagwalay ka sa kanya. B-Baka lang may maitulong ako." napaisip ako sa sinabi niya.
Pero ayukong madamay siya. Ayukong may madamay na iba. Masaya naman na ang lahat eh.
Masaya na si Brienne. Yun ang mahalaga sa akin.
"Ganun talaga. Nagbabago ang sigaw ng puso." balewalang saad ko.
Ngumiti lang siya, dumating na din naman agad ang mga pagkain.
"Let's eat." nilahad nya pa ang kamay nya na inaaya akong pakainin.
Tahimik lang kaming kumakain kaya nag-isip ako ng mapag-uusapan.
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanficDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...