Chapter 38

760 43 46
                                        

"Let's volleyball like before!" aya ni Reign.

"Paano? We're 9." tanong ni Kare "Ay, referee na lang ako!" siya na rin sumagot sa tanong niya

"Kami ni Ate Jelay partner? Lugi naman kami." apila ni Lie.

"Ako na lang partner ni Pax!" pa-volunteer naman ni Jethro.

"And what about Angela?" seryosong tanong ni Brienne.

"Ganito na lang! Since volleyball player naman kami ni Angela. Sige, we're partners. Then Jethro kay Lie ka, Hon kay Pax ka muna." pahayag ni Reign na may binulong pa kay Aljon na nagpangisi dito.

"Bakit kay Lie? Gusto ko kay Pax." reklamo pa rin ni Jethro.

"Aray ko ha! Nakakasakit ka na ng feelings!" asik ni Lie na nagtawanan naman kami.

Nagulat na lang kami ng may lumipad na bola papunta kay Jethro. Mabuti na lamang ay nasalo niya ito.

"Let's G." pahayag ni Brienne na nakatalikod na sa amin, nakasunod naman sa kanya si Gillian.

"Wait, we haven't discuss the prize yet." sabat ni Angela.

"Alam ko na! Di naman mag-jojowa mag-partner ngayon kaya di natin pwede gawin yung tulad dati na prize. Malupet na truth or dare na lang! Yung mananalo ang mag-iisip!" suhisyon ni Jethro. Sumang-ayon na lang din kami. Wala din naman kaming ma-isip pa na prize.

Nagkanya kanya muna kaming pahid ng sunblock sa mga katawan namin.
Pero yung mga mag-jojowa syempre nagtulongan pagdating sa likod ng partner nila.

Pasimple akong napatingin pa kay Brienne at Gillian na nagtatawanan.

"Anong nakakatawa sa pagpapahid ng lotion?!" bitter na ani ni Kare. Umiwas na lang ako ng tingin at nagfocus sa katawan ko.

"Pax, you need help?" lapit sa akin ni Aljon.

"Ha? W-wag na." nakakahiya naman kasi.

"Don't worry, Pax. Ayos lang sakin." nakangiting sagot ni Reign. "Basta wag lang dyan sa ex niya." pahabol niya pa.

"As if naman! I don't his help. Andito naman si Lie. Diba Lie?" sagot ni Kare

"Oo naman! Yakang yaka ko na ito! Hehehe"

"Amin na." dahil sa pag-tulala ko ay di ko napansin na hawak na pala ni Aljon ang lotion at pumwesto na sa tabi ko.

"Dapa ka na." malambing na saad niya. Tumango na lang ako at dumapa. Wala namang malisya dahil may asawa't anak na siya.

Habang pinapahiran ako ni Aljon ay bahagya niya rin ako minamasahe kaya nasasarapan ako.
Pagkatapos niya punasan ang likod ko ay napapitlag ako ng dumapo ang kamay niya sa legs ko.

"Ulitin ko lang para pantay ang pagpapahid." aniya. Naiilang naman akong tumango na lang.

Hanggang umangat ang kamay nila papunta na sa pisngi ng pwet ko.

"Ahm, Aljon.. Kaya ko na yan." kontra ko sa kanya pero parang wala syang narinig.

"Hoy Aljon!!" hinila ni Jethro ito patayo at palayo sakin.

"Gago ka! Chansing na yan ah!" pagalit niya dito.

"Hindi. Nakalitaw eh. Baka mangitim." nakangising sagot nito.

"Gusto mo ba mangitim paligid ng mata mo?!" gigil na sagot ni Jethro.

Napailing naman si Aljon at tinapik ito sa balikat.
Bumalik na rin sya kay Reign at humalik sa pingi nito.

"I love you." aniya dito na nabasa ko sa buka ng bibig niya.

"I love you too." sagot ni Reign at mabilis na dinampian ito ng halik sa labi.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon