Chapter 31

636 40 120
                                    

Pagkauwi ko galing sa cruise ay masamang balita agad ang sumalubong sakin.

Tinawagan ako ni Mommy.

"Sweety.." mahinang tawag niya sakin. Ramdam ko ang mabibigat na paghinga niya.

"Mhie, bakit?" kinakabahang tanong ko.

"Pinapasara ang resort natin." kumunot ang noo ko sa narinig.

"Ha? Bakit?"

"May mga nagpunta sa resort na galing sa DOH na nag-water test ng tubig natin.. B-Bumagsak sa text at pinapalabas nilang hindi ligtas ito." umiiyak na turan ni Mommy.

"Mhie? Paanong nangyari yun?" hindi makapaniwalang tanong ko dahil alam ko na malinis ang tubig namin sa pool.

Regular na nililinis at pinapalitan iyon ng tubig.

"H-Hindi ko rin alam anak. Pinapaulit namin ang test pero sabi nila kailangan daw munang isara ang resort hangga't hindi pa lumalabas ulit ang resulta." napasapo ako sa noo ko at parang alam ko na kung sino ang may gawa nito.

Pagbaba ng tawag ni Mommy ay dali dali akong pinuntahan ang taong may kagagawan nito.

Inabangan ko siya sa parking ng building nila at nang makalabas siya ay mabilis akong lumapit sa kanya.

Punong puno ako ng galit sakin. Kinamumuhian ko siya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" kalmadong tanong nito sa akin.

"Tigilan mo ang mga magulang ko! Ibalik mo sa kanila ang resort." mariing utos ko sa kanya pero ngumisi lang siya.

"Mahal na mahal ni Daddy ang resort! Alam mo yan dahil naging magkaibigan kayo noon!!" bulyaw ko sa kanya.

"Binalaan na kita pero di ka nakinig sakin, hindi na ako ang may kasalanan niyan." nangingiting tugon niya.

"Sir nirerespeto pa rin kita dahil ikaw ang ama ng pinakamamahal ko pero putang ina! Ganyan ka na ba talaga kasama?!" malutong na mura ko.

"You don't have rights to curse me!" galit na singhal niya sakin.

"I didn't curse you! Ang sabi ko, putang ina. Hindi ko sinabi na PUTANG INA MO!" inemphasized ko ang mura para madama niya.

Hindi ko ugali ang magmura pero siya yung taong karapat dapat sa mura ko.

"Aba't" nanginginig ang labi nya sa galit na inambahan akong sampalin.

"Ano? Sasampalin mo 'ko? Sige! Gawin mo lang. Saktan mo lang ako, sir. Gawin mo na lahat sakin pero 'wag mo naman sana idamay ang mga mahal ko sa buhay.." tuloyan nang nabasag ang boses ko.

Hindi dahil nanghihina ako kundi dahil namumuhi ako sa kanya.

Umiwas siya ng tingin sakin, naglakad na nilagpasan ako.

"Hindi ako madadala sa mga paawa mo." aniya ng matapat sakin bago ako iwan dun.

Siguro nga wala ka na talagang awa.

--

Lumipas ang araw na kinukulit pa rin ako ni Brienne. Text, chat at tawag pero wala akong sinasagot dun.

Lumabas na rin ang result ng pagpapatest ng tubig sa pool namin at pumasa naman iyon kaya muling nag-operate ang resort namin.

Laking pasalamat ko ng pumasa ang result. Sobrang nalungkot si Daddy sa nangyari mabuti na lang ay di rin iyon nagtagal.

Naging busy din naman ako sa work. Naging hectic ang schedule ko kaya hindi ako nahihirapan na iniwasan si Brienne.

Pero ito na yung araw na inaasahan ko. Yung araw na susunduin niya ako galing sa flight ko.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon