Inayos ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa mga kasamahan namin.
"Oh? Nasaan si Brienne?" salubong sakin ni Aljon.
"Okay naman na siya. Kasama niya si Gillian." sagot ko at muling dinampot ang beer na bigay sakin ni Jethro kanina. Di na ito malamig pero ininom ko pa rin, ang pait pait tuloy.
Nanuod na lang kami ng mga nagpy-pyro dance pero patuloy na tumatakbo sa isip ko ang nakita ko. Hindi pa sila bumabalik, masakit man isipin sakin pero baka higit pa dun ang ginagawa nila ngayon.
Pero okay lang, sapat na rin ang nakita ko para bumitaw na. Tama na, ako muna. Sarili ko muna.
-----
Habang nanunuod ng pyro ay napansin kong nawawala ang mga kasama ko.
"Nasaan sila Karina, Lie?" bulong ko sa katabi ko.
"Ha? Ewan ko, tumayo eh." balewalang sagot nito dahil manghang mangha sa nagsasayaw sa gitna.
Tumayo na ako at nagdesisyon na matulog na lang.
"Nasaan na siya?!" pa-akyat ako sa kwarto ng marinig ko ang boses ni Karina.
Parang galit ang boses nya kaya sinilip ko ang kausap niya. Si Aljon.
Ayukong makinig sa usapan nila kaya humakbang na ako pa-akyat kaso napahinto ako sa sunod na sinabi ni Aljon.
"Nagkulong sa kwarto si Brienne kasama si Gillian." sagot nito.
"Tang-ina naman, Aljon! Wala naman ito sa usapan natin. Paano na yung plano natin?!" napakunot ang noo ko sa narinig. Anong plano nila na may kinalaman kay Brienne?
"Hey.. Calm down." boses yun ni Reign. Kasama din nila si Reign?
"How can i calm down?! My friend is in depress state while your friend is having a best time of her life with someone else!" basag na ang boses ni Karina na halatang umiiyak.
Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Sorry. Hindi ko talaga alam na isasama ni Brienne si Gillian. I'm sorry." ani ni Aljon.
"Diyan ka naman magaling. Sa sorry! Lumapit ako sayo para humingi ng tulong para sa kaibigan ko pero anong nangyari? Lalo lang lumala ang sitwasyon!" tuloyan na akong lumapit sa kanilang tatlo.
Nakita kong nakatakip ng muka si Karina habang yumuyugyog ang balikat tanda na umiiyak siya.
So that's why we're here with Brienne squad. They planted this trip.
"Pax.." mahinang tawag sakin ni Reign ng makita ako.
Mabilis na nag-angat ng ulo si Karina at nagpunas ng luha ng makita ako.
Nakita ko ang takot sa mata niya. Takot na maaari akong magalit sa narinig ko.Pero wala na e. Pagod na akong magalit, manisi at masaktan.
Lumapit ako kay Karina at niyakap siya.
"Ssh.. Wag kang umiyak." pag-aalo ko sa kanya.
"Sorry. Sorry kung pati kayo nahihirapan dahil sa akin. I'm really sorry." sincere na paghingi ko ng tawad sa kanilang tatlo.
Binalingan ko si Karina at pinunasan ang luha niya.
"Sorry.. Pero hindi nyo ito kailangan gawin. Kaya ko ang sarili ko. At kung ano man ang meron samin dati ni Brienne, wala na yun. Tapos na kami." nakangiti kong pahayag sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/264600950-288-k385585.jpg)
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanficDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...