Hindi makapaniwala si Kaori sa kanyang narinig.
Nanghina ang kanyang tuhod kaya agad naman siyang sinalo ni Jelay na umaagos na ang luha sa mga mata.
"N-No.. haha" umiiling na saad ni Kaori. "It can't be haha" pilit siyang tumatawa at tinatanggi sa sarili niya ang binalita ng doctor.
"What do you mean, Doc?! Do everything for my wife. I will give you a blank check! Name your prize!" malakas na pahayag ni Jun habang hawak sa magkabilang balikat ang doctor.
Marahang winaglit ng Doctor ang pagkakahawak sa kanya ni Jun at muling umiling.
"Sorry sir. We already did our best. My deepest condolences." huling pahayag ng Doctor bago umalis.
Nanghihina na pumasok si Jun sa loob. Naabutan nya ang asawa nya na nakatakip na ang muka.
"Honey!!" hinagpis nito habang nakayakap sa asawa..
"Honey, gumising ka." hagulgol na iyak niya.
In other hand, Kaori just biting her lips while her tears keeps on flowing.
Hindi makapaniwala si Jelay sa nakikita nya.Ang dalawang leon na Oinuma ay naghihinagpis ng iyak ngayon. Punong puno sila ng pighati.
"M-Mommy.." parang batang tawag ni Kaori sa kanyang ina.
Nakayakap lang sa kanya si Jelay at sinusubukan siyang pakalmahin. Ngunit siya mismo ay halos hindi na rin makahinga dahil sa sobrang pag-iyak.
Hindi nya lubos maisip na agad agad ay mawawala na lang ng ganon ang ginang na tinuring nya ng Ina.
Makalipas ang ilang minuto ay natuyo na ang mga luha nila at natahimik. Walang gustong magsalita sa kanila.
Si Jun ay naka-upo, nakayuko habang hawak hawak ang kamay nito. Si Kaori naman ay nakaupo pa rin sa labas. Hindi nya magawang silipin ang yumaong ina. Nakatulala lang sya at hindi nagsasalita.
Hanggang sa may mga pumasok na para kunin ang bangkay.
Paglabas nito ay agad lumapit si Kaori dito at yumakap sa walang buhay na katawan ng Mommy niya."Mom.. I-I'm sorry.. I'm sorry.." paulit ulit na paghingi ng tawad ni Kaori bago tuloyang paglayuin sila ng kanyang ina.
Hinila na rin ni Jelay si Kaori palayo dito. Humarap naman siya sa asawa at muling humagulgol ng iyak habang nakayakap.
Yakap yakap nya ang asawa na parang iyon lang ang tanging magbibigay ng lakas sa kanya."Andito lang ako, Brienne.." pag-aalo niya dito. Wala na siyang maisip na salita na makakapagpagaan ng damdamin ng asawa.
Alam niya na ang pinaka-masakit na pwedeng mangyari sa isang anak ay ang mawalan ng ina.
Nasaksihan naman ni Jun ang kaganapan na iyon. Napakuyom siya ng kamay bago walang lingon likod na nilisan ang lugar.
--
"What?! Why did you let that man to get the corpse of my Mom?!" galit na tanong ni Kaori sa staff ng ospital.
Napag-alaman nya na kinuha ni Jun ang labi ng ina.
"I'm sorry Ma'am. Authorized po kasi siya dahil siya ang asawa." depensa ng kausap.
"Asawa?! They are separated! They're not living in one roof anymore! Ako ang nagdala dito kay Mom kaya dapat ako ang mag-uuwi sa kanya!" nagliliyab sa galit si Kaori. Sinusubukan namam siyang pakalmahin ni Jelay. Hinihimas nito ang kanyang likod habang hinahawakan ang kamay.
"I'm so sorry Ma'am pero ayon po kasi sa batas ang asawa ang mas may karapatan sa labi. Hindi pa po sila annulled kaya po kikilalanin pa rin sila ng batas. Pasensya na po talaga. Ibibigay ko na lang po ang Chapel na paglalamayan po." magalang at kalmadong sagot nito kay Kaori.

BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
Fiksyen PeminatDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...