"Magpahinga ka na muna. Don't worry dito lang ako habang natutulog ka." ani niya at inalalayan akong mahiga.
Sobrang pagod at puyat pa rin talaga ako dahil sa sobrang pag-iyak ko rin kagabi kaya sinunod ko na siya.
Pero oras na pinikit ko ang mata ko, nakita ko ang imahe ni Brienne. Namimiss ko na siya kaya muli na naman akong naiyak.
"Hey. Why are you crying? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Jerome. Nanatili lang akong nakapikit habang naglalandas ang luha sa mata ko.
"Tell me Pax. Bakit ka naiyak? Iniisip mo pa rin ba yung nambastos sayo?" marahan naman akong umiling sa tanong niya.
"H-Hindi." humihikbing sagot ko. "Miss na miss ko na ang asawa ko." sumbong ko sa kanya.
Pakiramdam ko ang hina hina ko ngayon.
"Bakit? Nasaan siya?" umiling iling lang ulit ako sa tanong nya.
"Nag-away ba kayo?" mahinang tanong nya.
Yun nga mas masakit eh. Hindi naman kami nag-away talaga, oo may hindi kami pagkakaunawaan ng huli kaming mag-usap pero hindi kami magka-away. At ang sakit isipin na wala samin ang mali kaya paano namin maaayos?
"Ganyan mo ba talaga sya kamahal?" dinilat ko ang mata ko at tinitigan siya.
"Oo. Mahal na mahal ko siya. Siya ang nagbibigay ng lakas sakin. Siya lang gusto ko makasama habang buhay." buong pusong pahayag ko.
Natahimik si Jerome at tinitigan ako lang ako.
Makalipas ang ilang saglit ay ngumiti siya ng may sakit sa mata niya."Ang hassle naman." nangingiting pilit na sambit nya "Mahal na mahal mo talaga siya. Parang hindi ka na magmamahal ng higit sa pagmamahal mo sa kanya."
Hindi na nga. Gusto kong isagot sa kanya yun pero hinayaan ko siyang ipagpatuloy ang sasabihin niya.
"Bakit kasi ngayon lang kita nakilala? Dapat noon pa haha" muli na naman syang tumawa para pagtakpan ang sakit sa boses niya.
"Hayaan mo na nga! Basta nandito lang ako. Di ako aalis sa tabi mo." nakangiting pahayag nya bago ginulo ang buhok ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin sa ginawa niya pero tumawa lang siya.
Simula ng araw na iyon ay hindi ko na magawang ipagtaboyan si Jerome. Isa pa nakikita kong hindi niya na pinipilit ang sarili niya sakin kaya nagiging komportable na ako sa kanya.
Pagod na pagod akong dumating sa bahay namin galing sa trabaho. Dumiretso agad ako sa cr para makaligo.
Binuksan ko ang tubig ng shower at nagbabad sa ilalim nun.
Hindi ko rin alam bakit nanatili pa ako dito sa bahay namin ni Brienne.Siguro dahil kahit nasasaktan ako sa mga ala-ala namin dito mas pinipili ko pa rin alalahanin siya.
Atleast in my memory we're happy.
Nanigas ako ng maramdaman kong may humawak sa bewang ko. Pinagapang niya ang kamay nya hanggang sa mayakap ako. Kahit hindi ko lingonin alam ko kung sino ito.
Sa kanya lang nag-rereact ng ganito ang katawan ko.
Until i felt her kiss in my nape. Ang init ng labi nya. Napapikit ako dahil sa sensasyong nararamdaman ko.
Natauhan lang ako ng ihipan niya ang tenga ko.
Agad akong napalingon sa kanya at nagulat dahil sa lapit ng muka namin sa isa't isa."I miss you." saad nya ay hinagkan ako. Hindi agad ako nakabawi dahil sa pagkabigla.

BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...