Chapter 1

2K 60 13
                                    

"Brienne, itabi mo na muna yan. Kumain muna tayo." alok ni Jelay kay Kaori na abala sa pagliliquidate ng kanilang flower shop.

"I was just wondering, bakit bumaba ang sales for past months." namomroblemang pahayag nito.

"Eh siguro kasi nagiging praktikal na ang mga tao. Sa mahal ng bilihin at grabe ang inflation rate ngayon, lmas okay na talagang bigas ang ibigay kaysa bulaklak." paliwanag ni Jelay at kinuha ang notebook, calculator, ballpen ni Kaori para itabi.

"Flowers will never be out of style to show your love and appreciation for someone." giit ni Kaori.

"Ini-english mo na naman ako. Wag ka ng masyadong magpaka-stress dyan. Malaki pa rin naman sales nyo ah." pahayag ni Jelay bago dumukwang at dampian ng halik ang labi ni Kaori.

"I love you, kain na tayo." napangiti naman si Kaori sa paglalambing sa kanya ng asawa.

"I love you too.." naniningkit ang matang sagot niya.

Kumain silang dalawa na magkahawak ang kamay. Mabuti na lang ay kalewete si Jelay at kanan si Kaori kumain.

Kaori is not Kaori kung hindi siya clingy kay Jelay.

Pagkatapos kumain ng dalawa ay dumiretso na si Jelay sa kwarto niya para mag-ayos ng mga gamit niya sa flight.

"Flight na naman? Kakauwi mo lang kagabi ah." reklamo ni Kaori dito at nahiga sa kama.

"Brienne, yung damit ko nahigaan mo." suway sa kanya ni Jelay at hinila ang damit niyang nahigaan nito. "Tsaka ano ini-expect mo? Flight stewardess ako. Malamang lagi akong nasa flight dahil trabaho ko 'to" pabalang na sagot ni Jelay sa kanya.

"Yeah. But can we have some more time together?" alok ni Kaori at hinila siya pahiga kaya nabuwag siya sa ibabaw nito. Nakapatong ang mga kamay niya sa likod ni Jelay habang ilang pulgada lamang ang pagitan ng mga muka nila.

"Napaka-ano mo! Kagabi pagdating ko hindi mo nga ako pinagpahinga tapos gusto mo na naman?" pabirong pagalit niya dito. Natawa naman si Kaori.

"I just want you always. Hindi ako masasawa." pahayag nito at agad na siniil ng halik ang labi ni Jelay.

Agad naman itong tinugon ni Jelay hanggang sa lumalim at naging mapusok na ang kanilang mga labi.

Nang matauhan si Jelay ay dahan dahan niya ng nilayo ang muka kay Kaori ngunit humabol pa ito kaya pinatong nya ang isang kamay sa itaas ng dibdib ni Kaori para itulak ito ng bahagya.

"Baka wala pa yung flight ko makaratung na ako sa langit dahil sayo. Haha next time na, Malalate ako." napalabi naman ang asawa sa tinuran niya.

"Pagbalik ko. 2 days rest yun kahit buong araw pa tayo walang tayoan sa kama." pag-aalo sa kanya ni Jelay kaya napangiti na siya.

So cute. ani ni Jelay sa utak niya.

Babangon na sana siya pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kanya ni Kaori.

"Ano pa?" tanong nya

"Baka may mga nanliligaw sayo dun. You get along with a lot of people. Your co-workers and passengers. Maybe one of them courting you." natawa naman ng mahina si Jelay dahil sa sinabi nito.

"Alam mo ikaw? Napaka selosa mo pa rin. Oh!" tinapat ni Jelay ang kamay sa tapat ng muka ni Kaori para ipakita ang suot na singsing.

"I'm a married person at hindi ko tinatago yun. Tsaka di naman ako kaligaw ligaw hahaha" tumatawang pahayag nito.

"Not ligawin? I don't believe on that. Dami ngang may lahing nagkakagusto sayo." giit ni Kaori. Agad naman siyang dinampian ng mabilis na halik sa labi ni Jelay.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon