Napatingin din sila Karina sa likod nila. Napasimangot siya ng makita ang grupo nila Brienne.
Partner partner pala sila. Si Aljon at Reign, si Jethro at Angela tapos si Brienne at Gillian.
"Bakit sila nandito?" bulong na tanong ni Lie.
"Hello Lie! Malay ko sa mga yan! Tsk." sagot din ni Karina sa kanya.
"Lumipat na lang tayo ng resort. Marami pa namang magagandang resort kaysa dito." suhisyon ni Lie.
"No way! Tayo ang nauna dito. Sila ang umalis." mataray na sagot ni Karina.
"Ano sa tingin mo ate Jelay?" tanong sakin ni Lie. Nagkibit balikat naman ako.
Tinutok ko na lang ang tingin sa kinakain ko dahil iniiwasan ko makita si Brienne at Gillian. Ang napansin ko lang kanina nagkukwento si Gillian at nakangiti si Brienne. Di ko alam kung napansin nya ako kasi naka-shades sya ng itim.
"Oh. Wag na tayo lumipat. Malaki naman itong resort. Di naman siguro lahat ng pupuntahan natin nandun sila." pahayag ni Karina.
Sa totoo lang kaya ayaw ko lumipat kasi may parte sakin na natutuwa akong nandito si Brienne. Na muli ko siyang makakasama.
"After natin kumain magpalit na tayo!" excited na turan ni Karina.
Nagsuot lang ako ng simpleng cycling short at rush guard na pares.
"Jusko! Ate Jelay, anong suot yan? Paano tayo makakahanap ng boys nyan?" problemadong salubong sakin ni Karina.
"Bakit? Wala naman mali sa suot ni Ate Jelay ah. Ang sexy pa nga rin. Sana all talaga matangkad!!" pagtatanggol sa akin ni Lie.
"Ang conservative! Magpalit ka dun." tinulak tulak pa ako papasok ni Kare sa kwarto ko pero nagmatigas ako.
"Ayuko nga! Okay na yan. Kapag ng two piece ako baka wala ng lalaking lumapit ss inyo, sa akin na lahat lumapit." biro ko sa kanila. Inirapan naman ako ni Kare at tumawa.
"Sige na nga. Tama naman si Lie, sexy ka pa rin." saad nito na pinalo pa ng pabiro ang pwet ko.
Hinila na nila ako papunta sa cottage namin na malapit sa dagat. Pagdating namin dun ay naghubad si Kare ng see through nya at nag-body flunt.
Dahil konsintidor si Lie ay pinicturan niya pa ito. Nagpapahid lang ako ng sunblock habang pinapanuod silang dalawa at di ko maiwasan hindi mapangiti. Feeling pictorial ang bruha.
"Hi!" napatingala ako sa lalakeng biglang nagsalita sa likod ko.
"Yes?" takang tanong ko. Tinanggal niya pa ang shades niya at sinabit sa sando niya.
"Parang nahihirapan ka kasi magpahig ng lotion sa likod mo. I can help you." napangiwi naman ako sa sinabi niya. Akala ko kung ano.
"Ah. No worries. I can manage myself." magalang na pagtanggi ko.
"Okay.." balewalang saad nito, nagkibit balikat at naghanap ng bagong prospect.
"Heeey! Pax! You're here." muli akong napalingon sa likod ko ng marinig ang boses ni Jethro.
Papalapit sakin ang grupo nila at agad dumapo ang tingin ko kay Gillian. Paanong hindi? Ang sexy nya sa suot nya. Naka-bikina bra lang sya at sa ngayon ay nakashort pero pakiramdam ko pares ang bra niya.
Kitang kita ang kinis ng balat nito at talagang bumagay sa kanya ang tan na balat.
Samantala ng mapatingin ako kay Brienne ay seryoso lang ang muka niya. Naka-shades pa rin siya kaya di ko alam kung saan siya nakatingin.
Nakasuot si Brienne ng rushguard na black din at may bitbit na surfing board. Mukang magsusurf sila.

BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...