Chapter 3

1K 48 4
                                    

Si Jelay ang mas naunang nagising kaysa sa asawa niyang nahimbing matulog.

Tahimik niyang pinagmasdan ang muka nito at di naiwasang mapangiti.

"Good morning my sunshine.." mahinang bati niya dito kaya hindi ito nagising. "I love you" anang nya bago dampian ng halik ang mapulang labi ni Kaori.

"Gusto pa kitang titigan pero kailangan ko ng bumangon Love. Magluluto pa ako ng pagkain natin." paalam niya dito at dahan dahan tinanggal ang kamay nitong nasa bewang niya para makabangon.

Sa mahigit limang taon na pagtratrabaho ni Jelay bilang FA ay hindi niya na iniinda ang jetlag.

Sanay na rin siya na kapag walang pasok ay gawaing bahay ang inaatupag niya. Habang nagluluto siya ay napansin niyang may mga nagalaw nga sa gamit nila.

Muli na naman siyang nakaramdam ng inis ng maalala niyang naglinis ng bahay si Kaori.

"Hindi na dapat maulit pa iyon." bulong niya sa sarili at pinagpatuloy na lang ang pagluluto.

Habang nagluluto ay naramdaman niya na ang pagbaba ng asawa sa hagdan.

"Love.." inaantok na tawag nito sa kanya.

"Uhm?" tipid na sagot niya dahil nakatuon ang pansin nya sa niluluto.

"I'm still sleepy." ani nya at hinilig ang ulo sa lamesa.

"Maligo ka na para di ka na inaantok. Bumawi ka na lang tulog pagkatapos mo madeliver ang mga bulaklak na order ngayong araw." hindi nalingong pahayag ni Jelay.

Narinig niya ang pagtayo ng asawa. Akala niya'y aakyat na ito sa kwarto para maligo ngunit naramdaman niya ang pagyapos nito sa kanyang bewang mula sa likod.

"Paliguan mo ko.." parang batang ani nya na lumabi pa.

"Love, nagluluto pako.. Uhm.." dinamdapian ng mumunting halik ni Kaori ang kanyang batok kaya naman ay nagugulo siya sa kanyang niluluto.

"Brienne, magtigil ka!" suway niya dito na tumigil naman sa paghalik sa kanya pero nanatiling nakayakap sa kanya.

"Sama ka sakin habang nagdedeliver ako.." patuloy na paglalambing nya dito.

Kaori always like that when Jelay is around. Sinusulit nya talaga kapag walang pasok si Jelay.

"Okay. Ligo ka na dun." pagkumbinsi ni Jelay sa kanya.

"Ih, let's shower together." pamimilit nito.

Napailing na lang si Jelay bago pinatay ang niluluto.
"Tara na." pagpayag niya dito dahil tapos na rin naman siya sa ginagawa. Tuwang tuwa naman si Kaori na hinatak siya.

"Teka Brienne, dahan dahan. Ayusin ko lang ito oh." turo ni Jelay sa mga ginamit nya sa pagluto.

Parang inip na inip pa si Kaori habang pinagmamasdan ang pagliligpit ni Jelay. "Love faster!"

"Later. I will make it fast and hard." sagot ni Jelay na hindi siya nililingon.

"Ugh. I want it now!" daing nito na nagpatawa kay Jelay.

"Ito na nga.." hinila niya ito palapit sa kanya at dinampian ng halik ang labi nito habang nakasandal sa kitchen counter.

"Pagpatuloy natin sa taas." sumang-ayon naman sa kanya ang asawa.

Pagkatapos ng mahabang pagliligo ay natapos din sila at kumain ng agahan.
Magkasama silang nagtungo din sa Flower farm nila Kaori. Ang mga kamay nila ay animoy nakaposa sa isa't isa at hindi mapaghiwalay.

Pagdating nila ay naabutan nila sa flower farm si Racquel na nag aayos ng mga bulaklak.

"Hello po Mommy!" salubong ni Jelay dito at hinalikan sa pisngi.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon