R18
Sa loob ng halos tatlong araw na wala si Jelay ay napag-isipan ni Kaori na sundin ang payo ng kanyang ina na maglinis ng bahay at maglaba.
Nanuod lang siya sa YouTube kung paano gamitin ang washing machine nila. Automatic naman iyon na pagkatapos ay isasampay na lang.
Nang una ay nahirapan siya at di nya makuha pero kalaunan ay naintindihan nya naman ang pinapanuod.
Love, bakit di ka nagchachat? Ano ng ginagawa mo?
Habang nagsasampay sa terrace ng bahay nila ng alas dyes ng gabi ay nabasa ni Kaori ang chat sa kanya ng asawa.
Nothing. I'm just chilling.
Reply niya dito dahil gusto nya surpresahin ito bukas pagdating nito sa bahay.
Ah. Pa-Take off na kami. Matulog ka na, Love. Goodnight. I love you.
Hindi na nakapag reply pa si Kaori dahil abala siya sa pagsasampay. Pawis na pawis siya ng matapos niyang isampay ang mga nalabhan.
Kahapon ay naglinis din siya ng bahay at pawis na pawis din siya kaya naman pagkatapos niyang maligo ay nakakatulog na siya agad.
Nag-alarm lang siya para masundo niya si Jelay.
Alas tres ng madaling araw ang landing ng eroplanong sinasakyan nito kaya naman antok na antok pa si Kaori ng makarating sa airport.Sa waiting area lang sya naupo at naghintay katulad ng nakagawian. Dahil inaantok pa siya ay nakatulog siya habang naghihintay.
Nang magising siya ay naka-unan siya sa malambot at may nakapatong na jacket sa kanya na nagsisilbing kumot niya.
May magaan ang kamay na humahaplos sa buhok niya. Gusto niya ang pakiramdam ng ginagawa nito pero ng maalala niyang nasa airport nga pala siya ay agad siyang napabalikwas ng bangon."What the fuck! Who the hell--" napahinto siya ng mapagtantong ang asawa niya pala ang hinihigaan nya at humahaplos sa buhok niya.
"Ganyan ka ba bumati ng good morning? Sweet ah." Jelay even rolled her eyes.
"I'm sorry. I thought someone's harassing me." agad na paliwanag nito at dinampot ang jacket na nalaglag.
"Harassing ba yung pinatulog ka na sa hita ko, nilagyan pa kita ng jacket" sumbat ni Jelay.
"It's harassing if it's not you. Anyway, why you didn't wake me up? Edi, sana kanina pa tayo nakauwi ng bahay at nakapagpahinga ka na." balik pagalit ni Kaori dito.
"Eh paano kita gigisingin ang sarap sarap ng tulog mo. Tapos pagtabi ko pa lang sayo yumakap ka na agad sakin, akala ko nga gising ka. Tulog ka pa pala kaya inayos ko pwesto mo para makatulog ka ng mas maayos." hindi naman nakasagot si Kaori.
"Tara na? Sa bahay na lang tayo matulog." aya ni Jelay dito.
Pagtayo nila ay medyo nalula na naman si Kaori sa tangkad ng asawa. Maliban sa natural na tangkad nito ay may heels din siya na hindi bababa ng isang pulgada.
"Being an FA really makes you taller and sexier." Wala sa sariling sambit ni Kaori. Napangiti naman si Jelay.
"Yieh. Sexy ako Love?" pang-aasar ni Jelay dito, hindi naman sumagot si Kaori. Basta niya na lang hinila ang maleta nito at naunang maglakad.
"Sungit mo talaga. Aaminin mo lang naman na sexy ako." pangungulit pa rin nito. Nang hindi siya pansinin ng asawa ay lumapit siya dito, kinuha ang kamay at nilagay sa bewang niya.
Napatitig naman sa kanya si Kaori na may pagtataka sa muka. Nagtaas baba naman ng kilay si Jelay.
Napangiti, napailing at napadila na lang si Kaori sa kanyang labi bago nya kagatin.
![](https://img.wattpad.com/cover/264600950-288-k385585.jpg)
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
Fiksi PenggemarDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...