Hanggang mag-land ay di na tumigil si Jerome kakabuntot kay Jelay.
"Alam kong namiss mo ko, Pax. Aminin mo na." giit nito kay Jelay.
"Sorry sir, hindi talaga." ani niya at sinara na ang pinto ng hotel ng pag-overlay nila.
Bumuntong hininga sya ng sa wakas ay di na sya makukulit ng Piloto.
Kinuha nya ang cellphone nya at agad tinawagan ang asawa.Ilang beses nya na ito tinatawagan pero hindi ito nasagot. Chinat nya na lang ito na naka-land na sya at nagpaalala na kumain sa tamang oras.
Hindi nagrereply ang asawa kaya nagpasya siyang tawagan ang ina.
"Mie.." bungad ni Jelay sa ina.
"Bakit? May problema ba?" agad na salubong din nito na mababakas ang pag-aalala.
"Wala naman po pero makikisuyo sana ako." natahimik naman ang kabilang linya na parang hinihintay siyang magsalita.
"Mie, pwede po bang punta puntahan nyo po si Brienne sa bahay?" nahihiyang paki-usap nito.
"Hmm. Oo naman, bakit? Anong problema?" curious na tanong ng ina.
"Nag-aalala ako, Mie. Alam nyo naman po kakamatay lang ni Mommy Racquel. Sobrang magulo pag-iisip ni Brienne ngayon. Wala naman akong magagawa at kailangan ko siyang pansamantalang iwan. Kaya baka pwedeng bantayan niyo po siya?" nag-aalangan pang paki-usap nya dito.
"Sige walang problema. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko at pupuntahan ko si Brienne." lumiwanag naman ang muka ni Jelay sa narinig.
"Salamat Mie!! I love youu" paglalambing niya dito na kinatawa ng mahina ng ina.
"Okay baby. I love you too" tuloyan ng napangiti at napanatag si Jelay.
"Jelay?" mahinang tawag ng ina.
"Yes Mie?"
"Kapag may problema kayong mag-asawa, wag kang mahihiyang magsabi ha?" maingat na pahayag nito.
"W-Wala naman po. Okay naman po kami ni Brienne." sagot niya.
"Okay. Mag-iingat ka dyan." nagbilin lang ng ilang bagay sa kanya ang ina at pinatay na ang tawag.
Napagpasyahan nya na rin mag-linis ng katawan muna para makapagpahinga.
Mabilis siyang naka-idlip ng matapos maglinis. Nagising lamang sya ng gisingin siya ng ka-roommate nya para kumain.Agad niyang chineck ang phone niya ngunit nadismaya lamang sya ng makitang walang chat ang asawa.
Calling Mhie...
"Mhie?" salubong ni Jelay sa ina pagkasagot ng tawag.
"Nandito ako ngayon sa bahay nyo, gabi na at hindi pa nauwi si Brienne." pahayag ng Ina niya.
"Subukan nyo po tawagan Mhie. Baka may inasikaso lang sa farm." suhisyon niya dito
"Tinatawagan ko, nak. Di naman nasagot. Nasaan na kaya yun?" nag-aalalang turan nito.
Nakaramdam naman ng hiya si Jelay dahil pati ang ina nya ay nag-aalala at naaabala.
"Sige Mhie, magpahinga ka na sa guest room. Ako tatawag sa kanya." ani nya at pinatay na ang tawag.
Habang papunta sa buffet ng hotel ay abala si Jelay sa pag-contact sa asawa.
"Brinne ano ba?! Nasaan ka? Hinihintay ka ni Mommy sa bahay. Hindi na ako natutuwa ha!" inis na chat nya dito.
"Hey! Namiss kita!" biglang sulpot ni Jerome na umakbay pa sa kanya.
Agad naman syang tinitigan ng masama ni Jelay. Sobra na syang na-i-stress kay Brienne at dumadagdag pa ang piloto na ito.

BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...