Chapter 55

992 99 47
                                        

Hindi 'ko magawang umu-o sa hiniling ni Tito Jun.

May gusto pa kasi akong malaman. May gusto pa akong masigurado.

"Darating din po siguro kami dun." sagot ko sa kanya na nagpabagsak ng balikat niya.

Nakaramdam naman ako ng paghabag dahil nalungkot siya.

"Kami na pong bahala ni Brienne sa bagay na 'yon, sa ngayon po dapat na kayong magpahinga sa kwarto." ani ko at inalalayan siyang tumayo.

Maingat ko siyang pinaupo sa kama na dating hinihigaan ni Mommy Racquel tuwing nagpupunta sya dito sa bahay.

"S-Salamat.." nahihiyang turan nito. Pasimple akong napangiti.

Parehas sila ni Brienne na wala sa bokabolaryo ang mga appreciation terms.

"Sige po, labas na ako." paalam ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.

Pagkasara ko ng pinto at napabuntong hininga ako.
Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamonan.

Bumalik ako sa kwarto at naabutan si Brienne na mahimbing pa rin na natutulog. Medyo nalalaglag na sa katawan niya ang kumot kaya maingat na inayos 'ko para maging komportable ang tulog niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Gillian.

"Let's meet." bungad ko sa kanya na sinang-ayunan niya.

Nag-ayos na ako at ng paalis na ako ay nagising si Brienne.

"Where are you going, wife?" tanong niya na pinipilit imulat ang mata niya.

Lumapit ako sa kanya at bahagyang lumuhod para magpantay ang muka namin.

"Babalik ako." turan ko habang malamyos na hinahaplos ang muka niya.

"Matulog ka pa." pinapikit ko siya gamit ang palad ko at para syang kandila na naihipan lang ng hangin ay nakatulog na.

Napangiti ako at mabining dinampian ng halik ang pisngi niya.

Bago tuloyang umalis ay sinilip ko rin si Tito Jun. Payapa din naman syang natutulog kaya iniwan ko na silang dalawa.

                                                                      

Pagdating ko ng coffee shop ay natanaw ko na agad si Gillian. She's wearing a white crop top and ragged denim jeans. Kapansin pansin din ang buhok nya na kulay blonde na.

I checked myself too. I'm wearing a plain white shirt, denim skirt and white vans. Komportable naman ako sa suot ko kaya ayos lang.

"Hi!" agad na bati niya sakin ng makalapit ako.

"Hello.." awkward ata ang nagawad kong ngiti sa kanya.

"Anong gusto mo? My threat!" masiglang tanong nya habang nagtitingin sa menu.

"Ah wag na. Ako na magbabayad ng order 'ko. Di naman tayo mag-jowa para maglibrehan." diretsong sagot ko sa kanya na natawa siya.

"Hahaha Brienne is right! Mukang magkakasundo nga tayo." na-alerto ang tenga ko ng mabanggit nya ang pangalan ni Kaori.

Ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya at tinawag ang waiter.

"What's your order madam?"

"Iced white chocolate mocha" napatingin ako kay Gillian ng sabay kaming sumagot.

Siya naman ang nagbigay ng tipid na ngiti sa akin.

"Ayun kuya! Dalawang iced white chocolate mocha!" bibong pahayag niya na sinulat naman ni kuya. Pinauna ko na siya mag-order para di na kami magkasabay pa.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon