Chapter 10

734 48 77
                                    

"Hi Pax!" lasing na bati ni Aljon kay Jelay.

"Hello, sunduin ko na itong pasaway nyong kaibigan ha?" paalam niya sa mga ito na tinanguan ni Aljon.

Naupo siya sa tabi ni Kaori at pinupunasan ang muka nito na may butil butil na pawis.

"Ang pula pula mo na." puna nya sa lasing na asawa.

"Hey Pax! Ako din may pawis oh haha" tumatawang saad ni Jethro.

"Hoy! I'm just right here." apila agad ni Brienne at siniksik ang ulo sa leeg ng asawa.

"Shit! Ang swerte mo Brienne. Ang sexy ng asawa mo." lasing na pahayag ni Jethro. Napangiti naman si Kaori at yumakap sa bewang ng asawa.

"Uwi na tayo?" malambing na tanong ni Jelay na tinanguan niya.

Inalalayan siya nito tumayo. Nakahawak sila sa bewang ng isa't isa habang naglalakad palabas ng club.
Nakasunod naman sa kanila si Aljon na hila hila ang maleta ni Jelay.

Nang pinapapasok na ni Jelay si Kaori sa passenger seat ay pumihit ito paharap sa kanya at niyakap ang bewang nya.

"Bakit?" takang tanong niya

"I miss you." malungkot na pahayag niya at hinapit si Jelay dahilan para masandal ang katawan nito sa kanya. Napangiti naman agad siya at mahinang kinurot ang ilong nito.

"I miss you too, Love." sagot niya bago dampian ng halik ang labi nito.

Kinuha naman ni Kaori ang pagkakataon na iyon para palalimin ang halik.

"Tsk!" padabog na sinara ni Aljon ang compartment kaya napalingon sila dito ngunit hindi pinaghihiwalay ang katawan.

"Dun nyo na ituloy sa bahay nyo yan!" reklamo niya na nagpatawa sa dalawa.

Hindi nila alam na hindi lang si Aljon nakasaksi ng paglalambingan nila kundi pati si Jerome na naghihintay sa labas.

                                                                 
Pagkatapos nun ay pumasok na rin sila sa sasakyan. Si Jelay ang nagmaneho at hinayaan na matulog si Kaori habang nasa biyahe.

Nang makauwi ay inalalayan niya si Kaori hanggang kwarto at maingat na hiniga ito.

"Love, kukuha lang ako ng pamunas" bulong nya dito ngunit tumango lang ito.

Pumunta siya sa kusina para kumuha ng planggana at tubig.

"Nakauwi ka na pala." napapitlag pa sya ng marinig na magsalita ang kanyang ina sa kanyang likuran.

"Hello Mhie!" bati niya dito na tinugon sya ng maliit na ngiti.

"Magbihis ka muna." utos sa kanya nito

"Mamaya po maliligo na ako. Inaasikaso ko pa si Brienne." sagot niya dito habang abala sa pagkuha ng mga gagamitin.

"Ikaw ba'y nahihirapan dito?" usisa ng kanyang ina na nagpalingon sa kanya.

"Huh? Hindi po, Mommy." agad na tanggi niya.

"Nang magpunta ako dito napansin ko agad ang hugasan sa lababo. Pagkatapos din kumain ni Brienne nilalagay nya lang pinag-kainan nya sa lababo. Siya ba'y hindi tumutulong sa gawaing bahay?"

"Mie, alam nyo naman na di sanay si Brienne sa gawaing bahay. Ayuko ng pinapakilos siya sa bahay. Tsaka madali lang naman mga yan. Sanay na sanay na po ako." magalang na pagpapaliwanag niya.

"Hmm.. Gabi gabi na ata sa inuman yun. Ayos lang ba yun?" patanong na pahayag nya.

"Mie, may pinagdadaanan siya e. Alam mo naman po." simpleng sagot ni Jelay

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon