Chapter 8

702 38 48
                                    

Makalipas ang tatlong araw ay hinatid na sa huing hantungan si Racquel.
Tahimik lamang si Kaori. Nakasalamin ito ng itim na itim at ang damit ay puting polo na naka-tuck in sa kanyang itim na pants.

Hindi nagsalita si Kaori hanggang sa mailibing na ang kanyang ina. Unti unti na rin nag-sisiuwian ang mga tao sa lamay ngunit nanatili lang si Kaori na nakatingin sa lapida ng ina.

Sumulyap lang sa kanya ang kanyang ama bago ito sumakay sa mamahaling kotse na kulay itim.

Nang makaalis ang ama ay mag-isa na lang syang naiwan sa lugar.
Mula sa malayo ay dun na rin lumapit si Jelay sa kanya.

Hanggang sa huling sandali ay hindi siya pinayagan ni Jun na maki-libing kaya nakuntento siya na manuod na lang mula sa malayo at tago sa mga tao.

Huminto si Jelay sa tabi ni Kaori at pinagmasdan din ang lapida.

"Mommy.." mahinang tawag nya dito kasabay ng pag-alpas ng kanyang luha.

"Mommy, i'm sorry hindi kita nahatid." umiiyak na turan nito.

"Gustong gusto kitang makita sa huling pagkakataon. Gustong gusto, Mommy." mabigat sa dibdib na pahayag nito.

"Salamat sa pagtanggap sa akin. Tinuring mo kong parang tunay na anak mo. Salamat kasi lagi mong sinasabi sakin na kaya ko. S-salamat kasi ramdam kong kahit ganito lang ako ay proud ka sakin." patuloy na pagka-usap nito. Napatingala si Kaori sa langit at napakagat labi.

Napalingon naman sa kanya si Jelay at hinawakan siya sa kamay.
Nanatili lang nakatingala si Kaori ngunit may luhang gumulong mula sa kanyang isang mata.

"Mommy, pangako. Tutuparin ko ang pangako sa inyo. Mamahalin ko po si Brienne. Gagawin ko po ang lahat para sa kanya. Hindi ako mag-sasawang intindihin siya at hanggang sa huling sandali ko, iaalay ko sa pagmamahal kay Brienne." ani niya bago tuloyang umalpas ang hikbi na kanina nya pa pinipigil.

--

Nang maka-uwi sa kanilang bahay ay tahimik pa rin si Kaori. Hindi siya nakibo at nirerespeto ni Jelay ang katahimikan na gusto nito.

"Brienne, tapos na ako magluto. Kain na tayo." ayaw ni Jelay sa kanya pero nanatili lang itong padapang nakahiga sa kama.

Maingat na naupo si Jelay sa tabi nito at sinilip siya.

"Brienne.." mahinang tawag nya dito habang mabining dinadampian ng halik ang pisngi nito.

"Kain na muna tayo, mahal." lambing niya pa rin dito.

"I'm not in the mood." simpleng sagot nito.

Nahiga si Jelay sa may likod nya. Niyakap siya at dinukwang ang ulo sa muka nya.

"Kailangan mo kumain, Brienne." mahinahon na pagpilit nya dito.

"I don't have appetite." walang ganang pahayag ni Kaori.

"Love naman! Makakasama sa kalusugan mo yan. Baka magkasakit ka." reklamo ni Jelay na kinairita ni Kaori.

Marahas nitong tinanggal ang pagkakayakap ni Jelay sa kanya at nilingon ito.

"I said, i don't want to eat!! Bakit ka ba namimilit, Ikaw ba magugutom?!" inis na turan nya at tumayo.

Nagtungo siya sa cabinet at kumuha ng bag.

"Pinapakain lang naman kita kasi halos di ka na kumakain. Tsaka saan ka pupunta?" takang tanong ni Jelay ng makitang naglalagay ito ng gamit sa bag niya.

Tumayo na rin siya at lumapit dito.

"I'll go somewhere peaceful. Yung walang mangungulit sa akin." sagot nya na patuloy naglalagay ng gamit sa bag niya.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon