Nalunok ko na ata ang dila ko. Hindi ako makapagsalita. Pinipilit kong tumayo pero nanghihina ako kaya tuloyan na akong napaupo sa upuan.
Naupo din naman si Brienne sa katapat na upuan 'ko.
"Para saan ito?" lakas loob na tanong ko. Ilang beses pa akong lumunok para pigilan ang pagbasag ng boses ko.
"For our divorce." balewalang sagot niya.
Tinitigan 'ko siya, sinusubukan kong basahin ang nasa isip niya pero di siya natingin sakin.
"B-Bakit kailangan pa nito?" muli akong napalunok dahil nababasag na ang boses ko.
Nag-angat naman siya ng ulo at tinitigan ako na parang nagtatanong bakit ko tinatanong yun.
Dun ko lang narealize na ang sinabi ko ay parang hindi ako sumang-ayon.. Pero hindi naman talaga ako suma-sang-ayon!
"I mean, bakit kailangan pa nito? Gastos lang ito." depensa ko.
"I'll pay for all the expenses." determinadong sagot niya.
Hindi ko mapigilang matawa ng pagak at mapatingala.
"Brienne, hindi naman kailangan na mag-ganito pa tayo. Kapirasong papel lang ito hahaha mahahassle pa ako dito sa mga hearing hearing nyan!" tumawa pa ako para lang pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko.
"Why don't you just sign the papers?!" inis na bulyaw nya sakin.
Natahimik ako at napaseryoso ng muka.
Tinitigan ko siya sa mata at nakipag-sukan ng tingin.
Siya ang unang nagbawi at tumawa ng mahina."Don't tell me, you don't want to have divorce?" nakangising tanong niya sakin.
Hindi ko alam ang isasagot ko at natutunaw ako sa titig nya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"A-Ayuko lang talaga maabala." pagdadahilan ko.
"Just. Sign. It. Pax" may diing pahayag niya,
Napalingon ako ng tumayo siya at lumapit sa akin..
Nakatingala ako sa kanya habang unti unti niyang nilalapit sa akin ang muka niya "..or else, you still love me?"
Sunod sunod ang naging paglunok ko.
Kitang kita ko pa kung paano lumipat ang tingin nya sa labi ko. Hindi ko maiwasan mapakagat sa labi dahil sa pagkailang.
Umayos na rin ng tayo si Kaori at lumayo sa akin.
"Sign it Pax." malamig na saad niya at muling naupo sa katapat na upuan ko. Hindi niya na ako binato pa ng tingin.
"Wala akong oras para dito." pinal na sagot ko.
"Ano ba?!! Diba ikaw may gusto nito?! Diba ikaw ang may gusto na maghiwalay na tayo?! So why are making it hard?!" nagsisigaw na turan niya. Ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi niya sakin.
"Bakit gusto mong makipag-divorce?" mahinang tanong ko
"I want to end everything about us." walang pag-aalinlangan na sagot niya.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko pinapahalata na sa loob loob ko ay nawawasak na ako.
"Ah. Kaya ba binura mo na mga picture natin sa IG mo? Kaya ba dinala mo si Gillian sa lugar kung saan ko inamin na mahal kita?" hindi ko siya maiwasan hindi sumbatan kahit pa alam kong, darating naman talaga da puntong ito.
Nang pakawalan ko siya ihinanda ko na ang sarili kong magmamahal siya iba.
Pero kahit anong handa pala ang gawin ko, ganon pa rin kasakit.
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...