Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sir. Jun ay bumalik ako kay Kaori.
Naupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay niya. Pinagmamasdan ko lang sya na payapang natutulog habang may mga aparatong nakakabit sa katawan niya.
Ilang saglit lang ay kukunin na siya sa akin ng Daddy niya.
"Love, galingan mo ha? Kailangan pagkatapos ng operation mo magising ka. Ha?" bilin ko sa kanya na alam kong hindi nya naman maririnig.
"Gusto ko sana pag-gising mo nandun ako kaso hindi na maaari." napatingala ako sa kisame at bumuntong hininga para pigilan ang pag-agos na naman ng luha ko.
Marahan kong hinaplos ang kaliwang dibdib nya kung nasaan ang puso niya.
"Mahal na mahal kita, Brienne. Kung may masasabi man ako na makakasakit sayo sana mapatawad mo ko. Hindi ko kailanman gustong masaktan ka pero paulit ulit kong pipiliing masaktan para sa kabutihan mo." marahan kong pinunasan ang luha ko. Mariin kong hinawakan ang kamay nya at dinala sa pisngi ko papunta sa labi ko para paulit ulit na halikan iyon.
"Kung sa pagpapalaya ko sayo ay magmahal ka ng iba. Sana Brienne, wag mo kakalimutan paano kita minahal.. k-kasi hinding hindi magbabago yun."
----------
Tuloyan ng kinuha sakin ni Sir. Jun si Kaori. At simula ng umalis sila papuntang ibang bansa ay di na tumigil ang luha ko sa pagtulo. Halo halo ang nararamdaman ko.
Natatakot ako sa kakalabasan ng operasyon nya. Hindi biro ang heart transplant kaya todo ang dasal ko na makayanan niya.
Nasasaktan din akong isipin na simula ngayon hindi ko na siya pwedeng hawakan tulad ng dati. Hindi ko na pwedeng sabihin sa kanya kung gaano niya pinapasaya ang buhay ko. Hindi ko na siya pwedeng mahalin.. pero patuloy kong gagawin.
-----------
Sa oras na inooperahan siya ay patuloy lang ang pagdadasal ko. Pakiramdam ko ay malalagutan din ako ng hininga sa oras na hindi niya makayanan.
Nang matapos ang operasyon ay wala akong balita. Kaming dalawa lang ni Sir. Jun ang may alam ng operasyon at hindi nya naman ako binabalitaan.
Sa mga panahong wala akong balita kay Kaori ay talagang hindi ako makatulog. Hindi ako makakain ng maayos.
Until one day she finally chatted me.
"Love?" unang chat nya pero binasa ko lang sa notification ko.Napapikit ako at napaluha.
Thank you, Lord.Ngayon mapapanatag na akong ayos na siya. Sapat na sa akin yun.
Pero hindi naging madali ang pagpapalaya ko kay Kaori. Patuloy nya akong chinachat at tinatawagan pero wala akong pinapansin sa mga yun. Nababasa ko ang mga message nya pero hindi ko inoopen sa inbox para hindi nya malaman na interesado pa rin ako sa mga sasabihin niya.
Alam kong masama ang loob nya sakin dahil gumising siyang wala ako. Nakakapagtaka nga rin na hindi siya nagalit. Siguro mabait ang may-ari ng puso na pinalit sa puso niya.
Ayun sa nabasa ko kasi may nakukuhang ugali ang na-operahan sa donator nya.
Pero aaminin ko, may tuwa akong nararamdaman sa tuwing chinachat nya ako at nasasaktan din ako dahil alam kong nasasaktan siya. Gustong gusto ko ng sagotin ang text at tawag nya pero hindi pwede.
Kaya nagpopost na lang ako sa social media ng mga ganap tungkol sa akin para ma-update ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/264600950-288-k385585.jpg)
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...