Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sasakyan. Nagising na lang ako ng huminto ang kotse.
Pagdilat ng mata ko ay napansin kong wala kami sa bahay namin nila Mommy.
Nasa bahay ako namin ni Brienne.
"Bakit dito? Baka hanapin ako ni Mommy." pangongontra ko sa kanya. Hinahawakan nya ako sa braso para alalayan pero tinatanggal ko iyon.
"It's already late at night. Mommy and Daddy probably sleeping now. C'mon, let's sleep." paliwanag nya sakin.
Nahihilo pa rin ako kaya hinayaan ko na lang siya.
Nakayakap ang braso nya sa bewang ko at hawak hawak ang isa kong kamay.Maingat niya akong hiniga sa kama. Napikit naman agad ako. Hindi ko na alam pa ang mga sunod na mangyari.
Naging masarap ang pag-tulog ko.Ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
Nang magising ako ay nakarinig ako ng mahinang paghilik sa tabi ko.
Pagdilat ng mata ko ay nakita kong magkayakap kami ni Brienne.
Argh! Alak pa kasi!
Pero okay na rin ito, atleast may damit pa ako. Hindi naman siguro ako bumigay sa kanya kagabi.
Dahan dahan kong tinanggal na lang ang kamay nya sa pagkakayakap sakin pero lalo nya lang siniksik ang ulo nya sa dibdib ko.
My gosh! Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nya sa dibdib ko.
Sasampalin ko na sana sya ng mahina para magising kaso ng dadampi na ang palad ko sa muka niya ay napahinto ako.
Mahimbing na mahimbing ang tulog niya at may munting ngiti pa sa labi niya.
Napabuntong hininga na lang ako at nilibot ang paningin ko sa paligid.
Malinis ang buong kwarto at halatang naalagaan. Ibang iba ito ng huling beses na nandito ako.
Hindi ito madilim at malamig. Maaliwalas ito.
Parang walang pinagbago ng mga panahong masaya pa kaming nagsasama.
Hmm..
Muli akong napatingin kay Brienne. Kapit na kapit siya sakin, parang bata.
"Kumusta ka, Brienne?" wala sa sariling tanong ko.
Ewan ko bakit yun ang nasabi ko. Naisip ko lang rin ang sinabi ni Mommy. Mag-isa lang si Brienne, wala ang magulang nya para sa kanya at nag-away pa ata sila ni Gillian.
Nandyan naman mga kaibigan niya pero kilala ko si Brienne na hindi mahilig magkwento sa mga ito. Konting tao lang sya nag-oopen. At kapag sinabi kong konti, sa akin lang at kay Gillian.
Yes, i admit it. Gillian has special part in her heart. Nakita ko at nasaksihan yun kaya nga nagparaya na ako.
Gillian is way better than me. Kaya gusto ko rin may marating on my own.
Ano na ba na-aachieve ko? Naging FA nga ako pero nagka-pwesto dahil sa kaibigan niya. Wala pa talaga akong napapatunayan kaya nga minamaliit ako ng Daddy nya e.
Napabuntong hininga na lang ako at marahang tinulak siya.
"Uhm.. I'm still sleepy my love." napangiwi ako. Hindi lang naman ako ang tinatawag nyang love.
"Uuwi na ako." sinusubukan kong tanggalin ang pagkakayakap nya kaso ang lakas lakas niya.
"We're home." tipid na sagot nito na halatang inaantok pa.
"May pasok na ako bukas. Kailangan kong ihanda ang mga gagamitin ko." pagpapaliwanag ko sa kanya
"Stay here for a moment please. May flight ka na naman tomorrow. You'll be with your pilot. Maiiwan na naman ako dito na punong puno ng selos." may hinanakit na saad niya.
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...