"Tara sundan natin!" aya ko kay Jerome at hinatak na siya.
Pasimple namin sinusundan si Brienne at yung Lucas. Sa pag sunod namin ay nakarating kami sa pinaka mataas na parte ng yate.
"Hoy! Ano ba ginagawa natin dito?" reklamo niya sakin. "Ganda ganda ng suot ko tapos pagmumukain mo kong stalker dito."
Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.
Nakasuot siya ng puting panloob, itim na necktie na pinatungan ng puting vest na pinatungan pa ng itim na coat. He really look elegant tonight. Napaka linis pa ng ayos ng buhok niya at napakabango.
"Ngek. Akala mo naman ang gwapo mo sa suot mo." pang-aasar ko sa kanya at binalik ang tingin kila Kaori.
"Huuy! Ang daming nagkakandarapa sa ka--"
"Ssshhh! Ang daldal mo, nakaalis na sila!" reklamo ko at muling hinila si Jerome para sundan sila Brienne.
Natahimik siya at pahinto ako sa paghatak sa kanya ng marealize ko na hawak ko pala ang kamay niya. Agad kong binitawan iyon.
"Ang kupad kasi kumilos." pagdadahilan ko at iniwan na siya dun.
Nakita kong parang tinuturo ni Brienne kay Lucas ang iba't ibang parte ng yate. Malayo ako sa kanila kaya di ko alam ang pinag-uusapan nila.
Hanggang sa makitang kong hinawakan ni Lucas sa palapulsohan si Brienne at hinatak palapit sa kanya. Hindi ako nakakilos sa kinakatayuan ko. Na-istatwa lang ako na pinapanuod ang paglapit ng muka nila.
Bago tuloyang maglapat ang mga labi nila ay may humila sakin at pinatalikod ako sa direksyon nila Brienne.
"You don't have to see that" matigas na pahayag ni Jerome at hinatak ako palayo dun.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Gusto kong lumingon sa kanila pero wala na akong lakas pa.
Nagsimula na rin ang event kaya nakisali na kami sa mga tao. Naupo kami sa may sulok ni Jerome kasama ang ilan sa mga kakilala niya.
"Hey! You're girlfriend?" tanong sa kanya ng isa sa mga kaibigan niya.
Lumingon sakin si Jerome bago sumagot. "Nope. She's my friend." sagot niya dito.
"Oh. Hi! I'm Drake.." he offered to me his hand. Tinitigan ko ito at tatanggapin sana para naman hindi maging rude pero inunahan ako ni Jerome.
"She's not interested with anyone." aniya na dahilan ng pagtawa ng mga kasama namin.
"Okay. I thought she's not your girl." makahulogang ngumiti ito kay Jerome. Binalewala ko na lang yun at kumuha ng maiinom.
Naiisip ko pa rin kasi si Brienne at Lucas. Naninikip ang dibdib kong isipin na may kahalikan siyang iba.
"Are you okay?" mahinang tanong sakin ni Jerome.
"Yep. Don't mind me. Makipagkwentuhan ka lang dyan sa mga kaibigan mo." tumango naman siya at nakipagkwentuhan sa mga ito.
Tahimik lang akong nanunuod sa harap hanggang mahagip ng mata ko si Brienne. Nakaupo sila sa unahan ng mga kaibigan niya kasama si Lucas.
Pinagmamasdan ko lang sila. Masayang nakikipag usap si Lucas kila Aljon. Kinakausap niya din si Kaori. Hindi ko masyadong makita si Brienne dahil natatakpan niya pero muka naman silang masaya.
Nilabang ko na lang ang sarili ko sa pag-inom. Ilang saglit pa ay nakita kong tumayo si Lucas. Sinundan ko ng tingin ito at nakita kong may kinakausap na itong ibang babae.
Agad napakunot ang noo ko. Oo, ayuko siyang lumalapit kay Brienne pero di naman tama na pagkatapos niya landiin si Brienne ay haharot sya sa iba.
Napatingin ulit ako kay Brienne. Nakita ko siyang nakatingin kay Lucas at napangiwi. Halatang disappointed siya. Lalo akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanficDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...